Ellen Adarna sinupalpal ang netizen matapos siyang sabihan na may 'Tililing'

Ellen Adarna sinupalpal ang netizen matapos siyang sabihan na may 'Tililing'

Ellen Adarna sinupalpal ang netizen matapos siyang sabihan na may 'Tililing'
Hindi na nga bago sa karamihan ang balitang paulit ulit na pamba bash sa mga artista.

Madalas ay sa kabila ng mabubutung gawin ng isang artista ay nakakatanggap pa rin ito ng pangungutya at masasamang mensahe mula sa ibang netizen na tila ba wala ng ginawang tama ang usang artista.

Ngunit iba rin naman ang balita kapag nakakasagot pabalik ang isang artista na tila nasusupalpal ang isang basher.



Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng isang video kamakailan si Ellen Adarna kung saan makikitang kumakanta siya habang nagpa piano.

At isang netizen nga ang tila hindi natuwa sa ginawang ito ni Ellen kaya naman nagkumento ito at sinasabing tila may tililing umano si Ellen.

"Ewan ko ba ang tingin ko ky (kay) ellen parang my (may) tililing," kumento nito kasama ang isang haha emoji.



At may isa pa na tila sumang ayon sa sinabi nito; "hahaha ako din parang naka drugs na ewan ahahaha," sabi ng isa.

Tila nga mga dummy account lamang ang mga naturang nagkumento at ang tanging gawain lamang ay ang mag kumento ng hindi kaaya aya sa mga post ng iba.

Hindi naman ito nakaligtas sa mata ni Ellen Adarna at talaga namang sinagot niya ang naturang kumento ng basher.

"meron talaga akong tililing. Ewan ko lang bakit tingin mo lang, tignan mo nalang mabuti. Di ko naman dinedeny," balik ni Ellen.



Hindi rin ito nakaligtas sa mga mata ng tagahanga ni Ellen Adarna dahil ipinagtanggol agad nila ang aktres sa negatibong kumento nito at ikinatuwa nila ang naging reply ni Ellen.

"When someone wants to 🔥 you, but backfires instead 🙌🏼," sabi ng isa.

"Meron talaga yan! Tagal na kaya. Kaya nga lab na lab ko yan si Ellen," kumento naman ng isa.

"Burn hahaha dami kasi alam ng iba pakialaman niyo lang mga buhay nyo diosko. kung ayaw mo kay Ellen unfollow nyo, di yung andami nyong puna," pakli naman ng isa pa.