Kylie Padilla at Aljur Abrenica hiwalay na raw??

Kylie Padilla at Aljur Abrenica hiwalay na raw??

Kylie Padilla at Aljur Abrenica hiwalay na raw??
Hindi na nga bago ang mga bali balita ng hiwalayan ng mga sikat na personalidad sa ating bansa.

Mapa kumpirmado man ito o hindi ay talaga namang pinag uusapan ito ng netizens.

Ngayon nga ay pumutok ang issue ng di-umano'y paghihiwalayan ng showbiz couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Sa kani-kanilang instagram post kasi ay tila ba nag po post sila ng mga cyptic post na mahihinuhang pagpapatungkol sa paghihiwalay nila.

Naunang nag post ng litrato si Kylie Padilla ng isang masaya niyang litrato na nakataas pa ang dalawang kamay at may caption na; "Free".



Burado na ang naturang post niya ngunit marami ang siyang nakakita na nito, kabilang na ang kapuso star at kaibigan nitong si Max Collins na nagkumento ng 'dove' emoji na pagpapatungkol sa kalayaan.

Sumunod ay nag instagram story pa siya ng mga katagang "More selflove, babygirl," na tila bagang mas mamahalin na ni Kylie ang sarili sa ngayon.



Isa pang instagram story ang siyang pinost ni Kylie at sinasabing; "I'm submissive not stupid".



Hindi pa siya nagtatapos sa tila pagpaparinig niya ng kaniyang saloobin sa kaniyang Instagram account dahil muliay nag story siya ng isang mahabang kasabihan.

"The capacity to be alone is the capacity to love. It may look paradoxical to you, but it's not," ang unang bahagi ng kaniyang ipinaskil sa kaniyang instagram story.



Sa pinaka latest pa ngang patutsada ni Kylie sa kaniyang Instagram story ay muli ay nag paskil siya ng isang panibagong kasabihan; "yeah sex is nice, but when you haven't been held in months, sex isn't what you miss the most".



Samantala wala namang ibang bahid ng pagpaparinig si Aljur Abrenica sa kaniyang Instagram account kagaya ng sa kay Kylie Padilla ngunit kapansin pansin ang isang post na tila ay taimtim siyang nagdadasal.

"Prayed the rosary on the road. Been praying for a while. The power of prayer is real. Brought peace and clarity. Thank you (Vin Abrenica) for lending and guiding me," ani ni Aljur sa post.



Wala pang opisyal na kumpirmasyon ang dalawa patungkol sa estado ngayon ng kanilang relasyon, ngunit dahil sa magkahiwalay na post nila sa kani kanilang instagram post ay pinag uusapan na ngayon ng netizens ang maaring hiwalayan nilang dalawa.