Mariel Padilla naglabas ng full statement hingil sa isyu nina Robin at Mocha

Mariel Padilla naglabas ng full statement hingil sa isyu nina Robin at Mocha

Mariel Padilla naglabas ng full statement hingil sa isyu nina Robin at Mocha
Hindi na nga nakatiis ang actress host na si Mariel Rodriguez Padilla na maglabas ng full statement hingil sa kinakaharap na isyu ng kaniyang asawa.

Usap usapan kasi ngayon sa social media ang di umano'y pagdadalang tao ni Mocha Uson at ang lalaking nakabuntis dito sa walang iba kundi ang asawa niyang si Robin Padilla.

Tila unang nakarating ang balita kay Mariel ng may isang netizen ang siyang naglakas loob na diretsahang tanungin ito tungkol sa isyu.

Sa isang instagram post niya ay tinanong siya ng netizen ng : “Sis, ano masasabi mo na buntis daw si Mocha at si Robin ang tatay???," na ni replyan lamang ng tawa ni Mariel.

Ngunit tila hindi naging sapat ang reply niyang ito upang hindi siya tigilang tanungin ng nakararami, kaya naman sa isang panibagong post ay naglabas ng full statement niya si Mariel.

“So many people are sending me messages ... ‘checking’ on me. People are tagging me bla bla bla... let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life. He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko,” panimula niya.

“Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but I am putting a stop to this NOW. May oras para maging assholes now is not that time. Please,” pakiusap pa niya.

Nitong nagdaang araw ay nagluksa ang pamilya ni Robin matapos na pumanaw ang kaniyang panganay na kapatid.

Matatandaang pumutok ang nasabing isyu matapos na maglabas ng isang blind item ang entertainment website na Philippine Entertainment Portal.

Sa nasabing blind item ay tila hinulaan ng netizens na sina Robin Padilla at Mocha Uson ang pinatutungkulan dahil na rin sa mga clues na siyang binigay ng PEP.

Sina Mariel at Robin ay ikinasal noong taong 2010 matapos na magkasama sa programang Wowowee, sa kasalukuyan ay may dalawa silang anak na sina Isabella at Gabriela.