Manny Pacquiao, sinagot ang tanong ng Netizen na gustong manligaw sa Anak niya

Manny Pacquiao, sinagot ang tanong ng Netizen na gustong manligaw sa Anak niya

Manny Pacquiao, sinagot ang tanong ng Netizen na gustong manligaw sa Anak niya
Trending at usap usapan muli ngayon si Manny Pacquiao sa social media dahil sa isang tanong ng netizen na tahasan niyang sinagot agad.

Sa kaniyang official Facebook Page ay nagbahagi ng litrato niya kasama ang anak nitong babae.


Sa nasabi ngang litrato ay may isang netizen ang pumukaw sa lahat, maging ang pambansang kamao at senator Manny Pacquiao ay talagang pinansin agad siya.


"Pede ko po ligawan anak nyu sir manny?," tanong ng Netizen.

Agad na nakatanggap ng reply mula sa mga netizens ang nasabing tanong;

"basta suntokan muna kayo boss," sabi ng isa

"pag tumagal ka ng 12 rounds HAHAHA," pakli ng isa pa.

"Pwede basta ikaw sparring nya sa susunod na laban ni manny 😂😂," biro naman ng isa.

Ngunit sa kabila ng mga birong sagot ng ibang netizens ay maging si Manny Pacquiao ay diretsahang sinagot ito.

"bawal," maikling sagot ni Manny sa nagtanong.



Agad na nakatanggap ng maraming "Haha" reacts ang tanong ng netizen maging ang sagot na ito ni Manny.


Mukhang mapapasabak sa sparring ang lahat ng susubok na manligaw sa First Daughter ni Manny Pacquiao na si Mary Divine Grace Pacquiao!.