Ellen DeGeneres na confused sa RC commercial, napa "Wow" ng mapanood ito

Ellen DeGeneres na confused sa RC commercial, napa "Wow" ng mapanood ito

Ellen DeGeneres na confused sa RC commercial, napa "Wow" ng mapanood ito
Sa huling bahagi ng 2020 sa kabila ng pandemya na kinakaharap ng buong mundo ay naging usap usapan nga ang kontrobersyal na RC Cola commercial.

Dahil na rin sa weird na konsepto ng nasabing commercial kung saan tinatanong ng anak ang kaniyang ina kung ampon ba siya dahil sa apat na baso sa likuran niya.

At talaga namang nagulat ang mga manonood sa sumunod na eksena matapos isiwalat ng ina na siya pala ay isang RC Cola na siyang magbubuhos ng cola sa basong nasa likod ng anak.

Nagulat at natawa ang halos lahat ng nakapanood dito at dahil sa kakaibang konsepto ay agad na nag viral ito at humamig pa nga ng higit sa 5 million views sa loob lamang ng isang araw.

At ngayon ay nakarating na rin ito maging sa ibang bansa kung saan pinanood pa nga ng isa sa sikat na TV Host sa amerika na si Ellen DeGeneres.

Sa isang segment na pinangalanan nilang "Ellen and Twitch Guess What's going to happen next in this crazy commercial" kung saan kasama niya si Twitch.

Napanood ni Ellen, Twitch at ilang audience ang unang bahagi ng commercial kung saan natawa pa nga ang karamihan dahil sa choices na pagpipilian nina Ellen at Twitch.

Ang hula ni Ellen ay tatanggalin ng Ina ang scarf at lalabas sa kanilang bintana, samantalang hinulaan naman ni Twitch na kakanta ang ina at mababasag ang mga baso sa likuran.

Kapwa mali ang sagot ng dalawa at ng napanood nila ay napuno ng tawanan ang studio dahil sa nasaksihan nilang ito.



"I was wondering how are they gonna drink it and that's how," sabi pa ni Ellen matapos mapanood na umiinom ang buong pamilya ng cola gamit ang straw.

Natulala at natawa na lamang si Twitch sa kaniyang napanood.

Panoorin ang kabuuan ng video dito: