Barbie Imperial, natagpuan ang bagong pag ibig kay Diego Loyzaga

Barbie Imperial, natagpuan ang bagong pag ibig kay Diego Loyzaga

Barbie Imperial, natagpuan ang bagong pag ibig kay Diego Loyzaga
Happy'ng happy nga ang 2021 para kay kapamilya actress Barbie Imperial matapos nitong ibunyag ang lalaking nagpapakilig sa kanya ngayon.

Sa kani kanilang Instagram account ay ibinahagi ng dalawa ang masaya nilang pag iibigan.

Naunang ibinahagi ni Diego Loyzaga ang sweet na sweet na litrato nilang dalawa ni Barbie kasabay ang bagong taon.

"Happy new year to us 🖤 thanks for making the end of my 2020 memorable. Lets gooo 2021!! :)," ani ni Diego na pinasaya umano ni Barbie ang huling bahagi ng kanyang taon.

via Diego Lozyaga Instagram

Umani nga ito ng iba't-ibang kumento mula sa malalapit nilang kaibigan lalo na ni Sunshine Cruz na syang dating asawa ng ama ni Diego na si Cesar Montano.

"You both deserve to be happy! ♥️😍💋 Hapoy New Year Diegs and my beautiful Cai 💋" kumento ni Sunshine na tinawag si Barbie sa character name nito sa teleserye nilang "Bagong Umaga".

Samantala hindi rin nagpahuli si Barbie Imperial sa pagbabahagi ng nakakakilig na mensahe sa kanyang bagong boyfriend.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niyo ang lubos na kasiyahan dahil sa pagdating sa buhay niya ni Diego at sa pagpapasaya nito sa kanya.

"Still my favorite photo of us 👫🏻💕," panimula ni Barbie kaakibat ang nakakakilig na litrato nilang dalawa.

via Barbie Imperial Instagram

"Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love & friendship with this one 🥰"

"Thank you for making me happy & feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you 🖤 #angcheezynibarbie pagbigyan ngayon lang ulit naging ganito 🙈"