Angelica Panganiban, sinalubong ang 2021 kasama ang bagong Boyfriend

Angelica Panganiban, sinalubong ang 2021 kasama ang bagong Boyfriend

Angelica Panganiban, sinalubong ang 2021 kasama ang bagong Boyfriend
Kakasimula pa lamang ng 2021 ngunit may pasabog agad ang Kapamilya Star na si Angelica Panganiban.

Sa kanyang Instagram Account ay masaya nitong ibinahagi ang kanyang maligaya at makulay na bagong taon.

"Kung isa kang pelikula, sana,, wala kang ending." ani ni Angge sa kanyang Instagram Post.

Agad ngang nag kumento ritoang ilang nga kaibigan niya sa Showbiz World.

"Love ko kayo masaya akooooooooo" ani ni Arci Munoz na may crying at heart emoji.

Napa "OMGGGGG" naman ang Princess DayaReese star na si Maymay Entrata sa nakakakilig na post na ito.

"Anak ng!!!!!!! Eto na!!! Ang saya ko para sayo!!!!!!", ang naging kumento naman ni Barbie Imperial kaakibat ang crying at heart emoji.



Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap usapan na ang umano'y Lovelife ni Angelica matapos na ma issue'ng mag jowa sila ng kanyang Walang Hanggan Paalam co-star na si Zanjoe Marudo.

Sa ngayon ay wala pang pormal na pangalan na inilalabas si Angelica hingil sa kanyang bagong boyfriend.

Kakasimula pa lamang ng 2021 pero napapa Sana All na tayo! 😂😂😍😍.