Para raw may pambili ng kanyang gamot, Lola ni Jake Zyrus nanawagan ng tulong.

Para raw may pambili ng kanyang gamot, Lola ni Jake Zyrus nanawagan ng tulong.

Para raw may pambili ng kanyang gamot, Lola ni Jake Zyrus nanawagan ng tulong.
Sa tulong ng isang YouTube Vlogger ay nakapanawagan ang Lola ni Jake Zyrus na si Tess Pineda upang makahingi ng tulong sa kinauukulan hingil sa dinaramdam nitong sakit.

Sabi niya sa video, “Magandang umaga po, Sir Tulfo, Ma’am Jessica Soho, kay Boy Abunda... Ako po ay lumalapit sa inyo, humihingi po ng kaunting tulong."

“Hinatid po ako dito ng apo ko. Ako po si Tess Pineda, kilala po bilang lola ni Charice Pempengco. May sakit po ako, ang BP ko po lagi tatlong araw na, 160/100."

“Pwede po ba akong matulungan makapagpa-check-up man lang ako? At kung maaari po sana nang makatulong ako sa taong nag-aalaga sa akin, gusto ko pong magkaroon ng makina para makapanahi kahit paunti-unti. Kaysa po ako'y lagi na lang nakaupo, nakatanga, nag-aalala sa pamilya, nag-iisip."

Ayon sa paglalahad ni Lola Tess ay wala syang makuhang tulong sa kanyang anak na si Racquel Pempengco, maging sa Apong si Jake na magpasa hanggang ngayon ay tinuturing nya pa ring si Charice.

“Hindi po ako naalala ng pamilya ko. Lumalapit po ko sa inyo, humihingi ng tulong, makina po at pinansiyal para mapa-check up ko po yung mata ko,” pakiusap nito.

 “Nito pong nagdaang taon ako po ay na-istroke sabi ng doktor napatiran daw po ako ng ugat sa ulo, sa batok. Pero pinilit ko pong maka-recover. Wala na po kasi ako mapagbili ng gamot. Gusto ko pong maghanapbuhay kahit konti, kumita kahit konti." dagdag pa niya.

“Wala na po akong makina, binenta na nilang lahat. Hindi naman po ako sinusustentuhan kahit piso.”

“Hindi po ako nagpapahabag. Masama ang pakiramdam ko po kung minsan ako'y nakatayo at bigla akong napapaluhod."

“Charice, bakit mo ako ginanito anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinakakain mo. Pero ang lola mo kahit piso hindi mo naaalala?."

"Kung ako ay naging masamang ina, kung ako ay naging masamang lola, sa akin pa rin kayo nagmula,” pahayag ni Lola Tess habang patuloy ang pag iyak niya.