Ogie Diaz, nagsalita tungkol sa P9M na kinita ni Raffy Tulfo sa Michelle Tekla Issue

Ogie Diaz, nagsalita tungkol sa P9M na kinita ni Raffy Tulfo sa Michelle Tekla Issue

Ogie Diaz, nagsalita tungkol sa P9M na kinita ni Raffy Tulfo sa Michelle Tekla Issue
Sa pagiging Trending at Usap usapan ng naging awayan nina Super Tekla at ng dating kinakasama nito na si Michelle ay napag usapan din si Raffy Tulfo.

Isang Netizen kasi ang naglabas ng Estimates nya ng kung magkano umano ang kinita ng programang Raffy Tulfo in Action sa YouTube ng nasabing Tekla Michelle Issue.

Ayon sa Estimate ng Netizen ay umaabot sa mahigit P9M ang halos makukuha umano ng RTIA sa mahigit 6-Part Episode ng Tekla-Michelle Issue.

Sa kanyang nagdaang Vlog naman, bilang Talent Manager ni Raffy Tulfo, ay sinagot ni Ogie Diaz ang haka hakang Estimated Earnings na ito ng RTIA.

Ayon sa paliwanag ni Ogie, ay hindi totoong umabot sa P9M ang kinita ng kanyang alagang si Raffy Tulfo.
“Just to let you know, ‘yun pong mga videos na ‘yun ay na-red flag. Ibig sabihin, na-dilaw o na-red, kapag na-red walang pumapasok na ads. ‘Pag po dilaw, limited lang ‘yung ads na pumapasok. So ang hina rin ng daloy ng ads. ‘Yun po ‘yung naranasan ng Michelle-Tekla series.”, paliwanag nya.

Ani ni Ogie dahil masyadong naging sensitibo ang issue sa pagitan noma Michelle at Tekla kaya naman na Red Flag ito umano ng YouTube.

Paliwanag ni Ogie, bilang Talent Manager ni Raffy ay nalalaman nya ang nagiging kita ng nasabing Videos at pinabulaanan nya ang naturang P9M Earnings para lamang sa Issue'ng iyon.

Dagdag pa nya na hindi naman daw ganoon kalaki ang kinikita ng naturang Programa sa YouTube.