Binatang nag "Netflix and Chill" at Photoshoot sa baha, Trending!

Binatang nag "Netflix and Chill" at Photoshoot sa baha, Trending!

Binatang nag "Netflix and Chill" at Photoshoot sa baha, Trending!
Trending, Viral at Usap usapan ang naging Photoshoot ng isang Binata sa kasagsagan ng bagyong Rolly sa Batangas City.

Nakagawian na ng bawat Pinoy na sa kabila ng problemang kinakaharap natin ay nananatili tayong positibo at hinahanapan ng kasiyahan ang bawat bagay na kinakaharap natin.

Ito nga ang pinatunayan ng isang Binata na si Victor Jose Tadia ng mag viral ang kaniyang post kung saan tila ay nag Photoshoot pa sya sa loob ng kanilang bahay na pinasok na ng Baha.
Ayon kay Victor Jose Tadia ay sa kabila ng banta ng bagyong Rolly ay nanatili silang kalmado at masaya.

Binahagi rin ni Victor na sinigurado nilang ligtas at malayo sa peligro ang ginawa nilang Photoshoot.
“Sinigurado namin bago gawin yung picture,” sabi ni Victor sa panayam sa TeleRadyo, patungkol sa Mataas aniya ang mga electrical sockets sa kanilang bahay.

Sa pagbabahagi pa ni Victor sa Teleradyo ay mabilis din namang humupa ang baha at tuluyan itong nawala sa kanilang bahay, tatlong oras makalipas.
Aminado siyang minsan ay nakakatakot ang mga pagbaha, pero dagdag niya na “pangkaraniwan” na ito at “sanay” na din sila.
Mula nga ng ma i-post ni Victor ang kanyang mga litrato ay umani na agad ito ng mahigit sa 
57,000 Reactions at higit sa 87,000 Shares.

All Photos credit to: Victor Jose Tadia