Ina Feleo nag react sa kanyang Viral "Ghost with Face Shield"

Ina Feleo nag react sa kanyang Viral "Ghost with Face Shield"

Ina Feleo nag react sa kanyang Viral "Ghost with Face Shield"
Nito ngang nagdaang araw ay nag trending ang isang Litrato mula sa GMA Show na "Daddy's Gurl".

Sa nasabing litrato kasi ay makikitang ang karakter ni Ina Feleo bilang isang Multo habang nakikipag interact ito sa iba pang Karakter.

Ngunit ang ikinatuwa ng mga Netizens ay ang pagkakaroon o pagsuuot nito ng Face Shield kahit pa isa ng Multo ang kanyang Karakter.

Dahil nga dito ay maraming Netizens ang natawa dahil nga raw bakit maging ang Multo pala ay takot na rin mahawaan ng sakit na Covid.

Hindi naman napigilan mapansin ni Ina ang kanyang Viral Character kaya naman maging sya ay ibinahagi nya ang kanyang Viral Photo.

"Happy Halloween! Nag-viral nang dahil sa face shield (laughing emoji with tears)." Sabi nito sa kanyang Caption.


Hindi tuloy napigilang mapa comment ng kaibigan nyang si Dianne Medina patungkol sa kanyang Instagram Post.

"takot yung multo sa covid😂😂😂", ani nito na ni replyan naman ni Ina ng; "diba mars😂".
Hindi rin napigilan ng ilang Netizens ang mag kumento dahil sa nakakatawang post na ito ni Ina.

"ang bongga nga eh.. 😂 new normal na... Marunong lang sumunod sa govt.. tska comedy sitcom nga eh.."

"Ngayon lang po ako nakakita ng multong naka face shild HAHAHAHHA😂"

"Kung kaya ng multo sumunod sa protocols at mag face shield.. dapat tayo din! 😘"