John Lloyd Cruz, spotted sa kanyang Payak at Simpleng Pamumuhay

John Lloyd Cruz, spotted sa kanyang Payak at Simpleng Pamumuhay

John Lloyd Cruz, spotted sa kanyang Payak at Simpleng Pamumuhay
Tila nga sa kasalukuyan ay nag settle at nananatiling Masaya si John Lloysd Cruz sa kanyang payak at simpleng pamumuhay.

Trending at Usap usapan kasi ang Latest Photos ni John Lloyd Cruz kung saan makikitang bumibili sya ng street food.

Nitong mga nagdaang linggo nga ay panaka nakang sumusulpot ang mga litrato ni John Lloyd sa Social Media.

Nakaraan ay nakita sya ng Netizen na bumibili ng mga bagay para sa kaniyang anak na syang ginagawa ng mga tatay. 

Mayroon ding litrato nya kung saan masaya syang kumakain ng tuyo, mayroon pang ang pagkain naman nya ng balut na tila set up pa sa kanto ng kalsada.


Sa kabila ng pagiging Multi Awarded Actor nya at siguradong pagiging isang Milyonaryo pa rin, ay kinakikitaan pa rin sya ng Simpleng pamumuhay.

Matatandaang pansamantalang nagpaalam si John Lloyd sa Star Magic at ABS-CBN upang magpahinga muna sa Showbiz World.

Ilang buwan matapos nun ay proud niyang ipinakilala sa Madla ang anak nila ni Ellen Adarna na si Baby Elias. Ngunit hindi rin nagtagal ay naghiwalay sila ni Ellen, sa kabila nito ay hindi naman nya pinabayaan si Elias.


Sa bagong Trending Photos nga na ito ni John Lloyd Cruz ay makikitang masaya pa syang tumitingin sa mga Litrato kung saan makikitang bumibili sya ng tokneneng.

Makikita pa ngang simpleng T-Shirt lamang ang kanyang suot kung saan may nakasukbit pang maliit na bag sa kanyang katawan, at tila hindi naging isang Aktor.

Tunay ngang sa mga simpleng bagay makikita ang tunay na Kasiyahan kagaya na lamang ng ngayo'y ginagawa ni John Lloyd.