Girlfriend, nabuking na nambababae ang Boyfriend na nasa Canada, hindi pa sinusustentohan ang kanilang Anak
Girlfriend, nabuking na nambababae ang Boyfriend na nasa Canada, hindi pa sinusustentohan ang kanilang Anak



Ang inaakalang masaya at sana'y One Big Happy Family na inaasam ni Pinkynest Palomar Galvez para sa kanyang anak ay mauuwi pala sa isang masakit at wasak na pamilya.

Ayon kay Galvez ay masaya syang pinayagan ang Boyfriend na si Carlo Don David na mag ibang bansa upang sana ay maabot nilang pareho ang kanilang mga pangarap. Pangarap na maihaon ang kani kanilang pamilya sa kahirapan kasabay ang magandang kinabukasan para sa kanilang anak.

Ngunit taliwas ang mga nangyari, at tuluyan na ngang napako ang mga pangako ni Carlo kay Galvez. Panimula pa ni Pinkynest na June 2018 ay pumayag syang mag ibang bansa si Carlo dahil nga para sa kanilang nagsisimula pa lang na pamilya.



"June 19, 2018 Eto yung araw na aalis ka papuntang canada kahit kapapanganak ko palang! Hinayaan kita sa gusto mo dahil alam kong makakabuti sayo. Ang dami mong pinangako sakin, pinaikot mo ko!!! Pero lahat ng yon puro pangako at pang gagago lang!!!" Panimula ni Pinkynest.


"FLEX KO LANG TONG MGA TO!! PA SHARE NA DIN PO PARA MAKARATING KAY SIR RAFFY TULFO!

CARLO DON S. DAVID AKA "DON CARLO" NG CANADA!! NATURINGAN NASA CANADA KA PERO DI MO MATUSTUSAN PANGANGAILANGAN NG ANAK MO! NABIBILI MO LUHO AT BISYO MO PERO PAG HININGIAN KA WALA KANG MAIBIGAY🤣 ANG GAGALING NINYO MAG INA IPINAGMAMALAKI NYO SAKIN YUNG 5K NA IBINIBIGAY NYO NA MINSAN UMAABOT PA NG 2MONTHS BAGO MASUNDAN!! MAGKNO SINASAHOD NYO DYAN PERO KAKAPIRANGGOT NA PERA DI NYO PA MAIBIGAY NG MAAYOS SUSTENTO NA NGA LANG HINIHINGI KO ANG DAMI NYO PANG SINASABI

PARA SAYO CARLO ALAM MONG MAY RESPONSIBILIDAD KA NA INIWAN PERO HINDI MO MABIGYAN NG MAAYOS NA BUHAY. MASYADO KANG FEELING BINATA. HINAYAAN KITA SA LAHAT NG GUSTO MO!! PERO SUMOBRA KANA HINDI LAHAT NG BAGAY KAYO LAGI BILOG ANG MUNDO TANDAAN NYO YAN!!

Ps; HANGGANG NGAYON WALA PADIN BIRTH CERTIFICATE YUNG ANAK KO DAHIL AYAW NYO PAGAWAN KASE SABI NYO INOOBSERBAHAN KAYO NG IMMIGRATION AT ONCE NA MAKITA NILA NA MAY ANAK SI CARLO MADEDEPORT, KAYA ININTINDI KO KAYO SA SIDE NYO NA YON DAHIL AYOKONG MASIRA LAHAT NG PINAGHIRAPAN NYO!! PERO KUNG GANYAN KAYO MAPIPILITAN AKONG PAGAWAN NG BIRTHCERTIFICATE ANAK KO DAHIL KARAPATAN KO YUN!!!

Ito nga ang naging mahabang post ni Pinkynest patungkol sa pangwawalanghiya sa kanya ng kanyang Boyfriend.



Dagdag Impormasyon pa nya na nakabili na ng sariling kotse si Carlo at may kasalukuyan pang kinakasamang babae sa sarili nitong nirentahang kwarto sa Canada.



Ibinahagi rin niya ang naging pag uusap ng babaeng kinakasama ng ama ng kanyang anak.

"SO ETO NA NGA! Nag try akong kausapin si ate ghorl since magkasama kayo lagi kase hindi ako nirereplyan at siniseen lang ako ng mama at kapatid mo! Nag chat ako sa GIRLFRIEND mo kase alam kong sya lang makakausap ko at makakatulong sakin! Pero imbis na tulungan ako sinumbong pa ako sa nanay mo!!" Pagbabahagi nya.



"Kinausap kita ng maayos pero hinayaan mong nanay ni carlo ang magreply sakin."



"Ipinagmamalaki nyo sakin yung binigay nyo na 1350 na iisang gamot lang nabili ko!! Nag kasakit anak ko wala kayong nagawa nanghihingi ako sainyo pero ano ginawa nyo? Hindi nyo ko pinakinggan kaya ako mimso pumunta sa lola nyo para lang manghingi ng pang check up sa anak ko!! Gumawa ako ng paraan nanghiram ako sa girlfriend ng kuya mo!!sa tingin nyo sakto yon sa pang gastos ko para sa anak ko? 1350 binigay ng lola nyo 2k hiniram ko sa gf ng kuya mo! Nagbigay kayo ng 5k july15 hanggang ngayon wala padin kasunod!! Ganyan kyo katindi sa pera."



"Sinabihan nyo ko na lahat sainyo!! Ang kapal naman ng mukha nyo para sabihin nyo sakin yan! Ako nag luwal ako nag alaga ako nagpapakain sainyo parin lahat? Sustento na nga lang binibigay nyo di nyo pa ayusin!!"



"{E}to yung sumama yung loob ko sainyo dahil kinunsinti nyo si carlo sa mga kalokohan imbis na pagsabihan nyo!"



'Kaya ganyan ugali ng anak mo kase tinotolerate mong maging ganyan, sinasalo mo lahat ng responsibilidad nya na dapat sya gumagawa hindi ikaw!!!"



"Eto yung unti unti nawawala yung respeto ko sainyo dahil sa pag kukunsinti mo sa anak mo! Marunong akong rumespeto sa taong nirerespeto ako.."








At sa huli ay ipinakita pa nga niya na feeling Binata na talaga ang dati nyang Boyfriend na halos kinalimutan na umano ang kanilang anak.



Sa kasalukuyan ay umabot na sa higit 70K Shares ang naturang post.