Giit ng anak ni Pacman na si Emmanuel: "Lolit Solis SINUNGALING"

Giit ng anak ni Pacman na si Emmanuel: "Lolit Solis SINUNGALING"

Giit ng anak ni Pacman na si Emmanuel: "Lolit Solis SINUNGALING"


Pina sinungalingan nga ni Emmanuel Pacquio, anak nina Manny at Jinkee Pacquio, ang naging patutsada ni Lolit Solis sa Instagram Account nito.

Nag post kasi ng kanyang hinaing si Lolit Solis sa kanyang Instagram Account na nabalitaan nya di-umano ang pang hihingi ni Heaven Peralejo ng P100K sa ama ni Emmanuel na si Manny.

Giit pa ni Lolit ay bakit kinailangan pa raw manghingi ni Heaven ng tulong sa ama ng dati nyang kasintahan na si Emmanuel, ayon sa kanya ay baka mabigyan ito ng Malisya bilang babae si Heaven na syang nanghihingi ng pera sa mas nakakatanda sa kanyang lalaki.

Mabilis ngang naging usap usapan ito sa Social Media at agad na nakarating sa Manager ni Heaven na si Ogie Diaz, ani ni Ogie  wala raw katotohanan ang mga sinabing ito ni Manay Lolit Solis.

Ipinaliwanag na umano ni Ogie kay Lolit na imposible at walang katotohanan ang nasagap na balita ni Lolit, dahil masyadong marami raw Endorsement ang nakuha at na i closed deal nya para kay Heaven, aniya na kahit na mas tumagal pa ang Pandemic ay nakatitiyak siyang Financially Stable pa rin si Heaven dahil dito .

Sa kabila ng paliwanag na ito ni Ogie ay pinost rin ito ni Lolit sa kanyang Instagram Account ngunit ipinagpipilitan nya na hindi naman daw masama ang manghingi ng 100k lalo at kung bukal sa loob naman daw na ibinigay ito ni Manny Pacquiao.

Dahil nga rito ay hindi na napigilan pa ni Jimuel(Emmanuel) Pacquiao ang mag post sa kanyang Instagram account at pinasinungalingan din nya ang mga naunang sinabi ni Lolit sa kanyang Account.

screengrab from Emmanuel Instagram



"I would like to clarify that the issue posted by Lolit Solis and fashionpulis about Heaven is false. There was no money given and there was no communication. We keep getting involved in these issues and I just want to clear things up. She is not that type of girl and we are in good terms so no need for all the bashing." giit ni Jimuel.

Agad din itong napansin ni Heaven at nagpasalamat sa kanyang Ex Boyfriend sa pagtatagol sa kanya.

screengrab from Heaven Instagram


"The past few weeks have redefined the public's impression of me. It was hurtful and i needed some time to think it through." Ani ni Heaven.

"I'll get straight to the point. I didn't ask anyone for money. I am beyond grateful that I am blessed with opportunities to earn an honest living. Whatever I have now is a product of my hard work and not extracted from anyone's pocket." dagdag nito.

"Thank you to Jim and his family. I appreciate your efforts to stand with me. As well as to my family, friends, and supporters, thank you for always looking after me. I hope we can all move forward from this issue. Happy Monday!." Pagtatapos nito.

Samantala sa panibagong post ni Lolit sa kanyang Instagram na tila sagot nya sa mga nasabi nina Jimuel at Heaven ay humingi sya ng paumanhin sa kung ano man ang maaring maling nasabi niya.

"Tanggap ko pag nagkamali ako, I don't find it degrading na tanggapin ang pagkakamali ko. Ang hindi ko talaga magawa iyon magbura o mag archive ng post dahil parang feeling ko naging unfair ako sa sarili ko" sabi ni Lolit.

Inamin ni Lolit na hindi nya personal na kilala si Heaven at nagkamali sya sa mga nai post nya at nag SORRY sya sa nagawa nyang ito, ngunit tila sa kabila ng pagkakamali ni Lolit ay pasarkastiko pa rin ang kanyang huling mga sinabi.

"Sa nagawa ko, SORRY, at ewan ko kung bakit malaking issue ang 100k na kung iisipin ay barya lang sa mga involved. So SORRY Heaven at mommy, sana hindi maging Hell ang buhay ko dahil sa 100k na iyan." Pagtatapos ni Lolit.