Dahil Natakot makulong!, Fake News Provider Jay Sonza humingi ng paumanhin

Dahil Natakot makulong!, Fake News Provider Jay Sonza humingi ng paumanhin

Dahil Natakot makulong!, Fake News Provider Jay Sonza humingi ng paumanhin
Matapos nga nyang proud na ilabas sa kanyang Facebook Account ang umano'y pagdadalang tao ni Julia Barretto ay humingi na ng paumanhin si Jay Sonza.

Agad kasing pinabulaanan ni Julia Barretto ang nasabing balita ni Jay Sonza na sya ay nagdadalang tao.

Sa kanyang Instagram Account ay ibinahagi nya ang kanyang litrato kung saan labas ang kanyang Tiyan na hindi naman kakikitaan ng paglaki, kaakibat ang caption na "Fake News".

Samantala ng tanungin naman si Marjorie Barretto, ang ina ni Julia Barretto, ay maikling "Not True" lamang ang sinabi nito sa Talent Arm ni Julia na Star Magic.

Habang pinabulaanan ni Julia ang lahat, si Gerald Anderson naman ay tinawanan at sinakyan na lamang ang nasabing issue, kung saan sarkastiko nyang kinong-gratulate ang sarili.

"Congratulations to me" ani pa ni Gerald sa kanyang Instagram Story.


Dahil nga umani ng batikos ang balitang ito ni Jay Sonza, kaakibat pa ang di umano'y balak na kasuhan ng Libel kampo ni Julia Baretto ang matanda ng brodkaster dahil nga sa malisyoso nitong pekeng balita.

Humingi na ito ng paumanhin, base sa latest post nito sa kanyang Facebook Account.

Narito ang kanyang pahayag:

"Hindi ako buntis.
- julia
Hindi buntis ang anak ko. 
- marjorie " panimula nito.

"May umamin kasi. Kaya nagalak ako.Kung ganoon po, binabawi ko ang aking masayang pagbati. " dagdag nito.

"Happy & excited kasi ako kapag may nabibiyayan ng Buhay.Pasensiya na kung napaaga ang aking Congratulations." Pagtatapos nito.



Humingi nga ng pasensya ang nasabing Matandang Brodkaster ngunit tila pinaninindigan pa rin nito ang kanyang nauna ng balita.

"Napaaga ang aling Congratulations", ito ang kanyang kataga na nagsasabing para sa kanya ay buntis nga talaga si Julia Barretto.