Dahil sa role sa FPJ's Batang Quiapo, Mccoy De Leon nakakatanggap na raw ng pagbabanta

Dahil sa role sa FPJ's Batang Quiapo, Mccoy De Leon nakakatanggap na raw ng pagbabanta

Dahil sa role sa FPJ's Batang Quiapo, Mccoy De Leon nakakatanggap na raw ng pagbabanta
- Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz update ang ibinahagi sa kaniya ni McCoy

- Ayon kay Ogie ay nakakatanggap ng iba't-ibang mensahe ang kapamilya actor na si McCoy De Leon

- Kaugnay ito sa kaniyang role bilang si David sa hit seryeng FPJ's Batang Quiapo

Sa kaniyang Showbiz Update ay naibahagi ni Ogie Diaz na nakausap nila si McCoy mula sa kakatapos lamang na ABS-CBN Ball 2023.

Dito ay ikinuwento nila ang pagkainis nila sa aktor dahil na rin sa nakakagigil naman talagang karakter niya sa hit teleseryeng FPJ's Batang Quiapo.

"Napakasalbahe mo," pagsisimula ni Ogie sa kaharap na si McCoy, ngunit mabilis din naman niya itong binawi at sinabing sa totoong buhay ay mabait naman talaga ito.

Naibahagi niya na sa tuwing nakikita umano siya ng mga tao ay kapareho ng nasabi ni Ogie sa kaniya ang naririnig niya, na kung bakit salbahe umano siya.

"Sa totoo lang may mga lalaking biglang nag, 'Hoy David', maggaganon sa akin nakakabigla.. pero naiintindihan ko sila kasi nga syempre..," pagkukwento niya kay Ogie.

Ibinahagi rin niyang natatakot na rin siya minsan dahil nga sa sineseryoso na umano ng ilang tao ang galit nila sa kaniya bilang si David

"May nga death threat na rin ako eh, may mga nagcha-chat sa akin. Meron na pong ganun," dagdag pa nito.

Gabi-gabi pa ring napapanood si McCoy De Leon sa 'FPJ's Batang Quiapo' 8PM sa lahat ng platforms ng ABS-CBN.

Panoorin ang video ni Ogie rito: