Ogie Diaz, matagal nang na-sense na may mali sa pagitan nina McCoy at Elisse: "Dito pa lang, may na-sense na ako eh..."

Ogie Diaz, matagal nang na-sense na may mali sa pagitan nina McCoy at Elisse: "Dito pa lang, may na-sense na ako eh..."

Ogie Diaz, matagal nang na-sense na may mali sa pagitan nina McCoy at Elisse: "Dito pa lang, may na-sense na ako eh..."


 - Tila napakiramdaman ni Ogie Diaz ang 'mali' sa pagitan kina McCoy de Leon at Elisse Joson nang interviewhin niya ito noong nakaraang taon

- Ginanap ang kanyang interview sa McLisse sa first birthday ni baby Felize at dito napansin niyang nagtitinginan ang dalawa bago sumagot sa mga tanong

- Hindi naman daw niya jinudge agad sina McCoy at Elisse dahil naniniwala itong normal lang sa isang relasyon ang nag-aaway

Binalikan ng showbiz manager na si Ogie Diaz ang interview niya sa mainit na pinag-uusapang celebrity ngayon, sina McCoy de Leon at Elisse Joson, kasabay ng balitang hiwalay na ang dalawa.

Sa Facebook post kasi ni Ogie, sa interview pa lang daw niya rito ay na-sense na niya agad na may mali sa relasyon nila. Madalas kasi ang tinginan bago sumagot sa tanong.

Ginanap ang interview sa first birthday celebration ni baby Felize dahil nakuha rin bilang ninong ng kanilang anak si Ogie.

"Dito pa lang, may na-sense na ako, eh. Panay kasi ang tinginan. Tingin na asking for approval or kung okay lang yung sinabi nila sa isa’t isa," caption nito sa kanyang post.

Ayon pa kay Ogie sa kanyang 'Showbiz Update' vlog, ayaw naman niyang i-judge agad-agad sina McCoy nang mapansin niyang 'something is wrong' dahil normal naman daw sa isang magkarelasyon ang nag-aaway.

"Kung mapapansin ko nung April 28, 2022. Lumabas yun aking interview kay Elisse Joson tsaka kay McCoy na andun sila, nag-celebrate sila ng 1st birthday ni Felize. Kung saan inaanak ko si Felize, ninong ako nung bata.

"Ininterview ko silang dalawa. So dun palang sa interview, parang panay ang tinginan nila kung mapapansin niyo, alam mo yun? Yung kahit ako na nag-iinterview, yung parang, 'Something is wrong'. Pero syempre ayaw mo sila i-judge diba? At syempre, naniniwala ako na sa isang relasyon, hindi naman normal na hindi nag-aaway. Nag-aaway pa rin pero ang importante, nagkakabati. Pero feeling ko, nagkakasundo lamang sila noon dahil meron silang bagets," pahayag nito.