Tyang Amy, masaya sa nagiging labanan ng mga noontime shows: "Very happy because..."

Tyang Amy, masaya sa nagiging labanan ng mga noontime shows: "Very happy because..."

Tyang Amy, masaya sa nagiging labanan ng mga noontime shows: "Very happy because..."


 - Sumunod na nag-guest ang It's Showtime host na si Tyang Amy sa talk show program ni Boy Abunda sa GMA

- Dito ay natanong siya sa kanyang reaksyon ngayon sa mga noontime shows na naglalaban-laban 

- Aniya, masaya naman daw siya dahil nagkakaroon ng trabaho ang mga manggagawa ng kanya-kanyang programa

Si Amy Perez o mas kilala sa tawag na 'Tyang Amy' ang latest na guest ni Tito Boy sa kanyang talk show sa GMA na 'Fast Talk with Boy Abunda'.

Si Tyang Amy ay host ngayon sa longest-running Kapamilya noontime show na It's Showtime na mapapanood ngayon sa GTV. Kalaban nito ang EAT ng TV5, at Eat Bulaga ng GMA.

Isa sa napag-usapan nila ay ang kompetisyon na nangyayari ngayon sa pananghalian sa Philippine Television.

Tanong ni Boy Abunda, “Competition is stiff. Nandiyan ang Eat Bulaga, nandiyan ang TVJ, ang E.A.T., nandiyan ang Showtime. Ikaw, you've been in this business, nag-Eat Bulaga ka rin,” tanong nito.

“Oo, nag-guest din ako dati sa kanila for a time. I think noong nasa ABS din sila noon,” sagot naman ni Tyang Amy.

“Very happy because it's healthy. 'Yung industriya natin sa telebisyon is back.”

“Lahat may trabaho, mapaharap ng camera, likod ng camera, utility, lahat may trabaho and it's good for everybody,” dagdag pa nito.

Mapapanood ang It's Showtime tuwing tanghali, 12NN, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live via Facebook, YouTube, at TikTok, A2Z, Jeepney TV, at GTV.