Julie Ann San Jose, nagpasalamat sa It's Showtime sa masayang guesting nito

Julie Ann San Jose, nagpasalamat sa It's Showtime sa masayang guesting nito

Julie Ann San Jose, nagpasalamat sa It's Showtime sa masayang guesting nito


- Masaya ang Kapuso star na si Julie Anne San Jose sa naging 'It's Showtime' guesting nito nitong Lunes, July 17

- Viral ang kanyang performance sa Showtime at naging topic pa sa online world tulad ng Twitter

- Ipinost naman nito ang naging experience niya sa Kapamilya noontime show sa kanyang Instagram account

Todong nagpasiklab ang Kapuso star na si Julie Anne San Jose kaninang tanghali sa kanyang unang pag-apak sa It's Showtime stage.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makita si Julie Anne sa Kapamilya noontime program pagkatapos magguest din ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz sa pilot episode nito sa GTV.

Natutuwa rin maging ang kanyang mga fans at netizens dahil trending online ang kanyang performance sa Showtime. 

Nagpasalamat naman ito sa Showtime family sa mainit na pagtanggap at masayang tanghali nito kanina sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.