TV Patrol anchors, 'naloka' sa 'laundry' issue ni Ricci Rivero: "Nag-away kayo ng ex pati sikreto mo ibubulgar..."

TV Patrol anchors, 'naloka' sa 'laundry' issue ni Ricci Rivero: "Nag-away kayo ng ex pati sikreto mo ibubulgar..."

TV Patrol anchors, 'naloka' sa 'laundry' issue ni Ricci Rivero: "Nag-away kayo ng ex pati sikreto mo ibubulgar..."

- Nagka-kwentuhan ang mga TV Patrol anchors sa kanilang closing spiel sa report ni Gretchen Fullido tungkol kay Ricci Rivero

- Tila naloka naman silang tatlo dahil tila hindi nila maintindihan kung ano ang hindi pinapa-laundry ni Ricci

- Natawa nalang si Bernadette sa biruan ng dalawa sa 'laundry' issue ni Ricci

Si Andrea Brillantes naman ang naglabas ng pahayag sa YouTube vlog ni Vice Ganda matapos gumawa ng ingay ni Ricci Rivero sa panayam sa kanya ni Boy Abunda patungkol sa relasyon nila ng aktres.

Kinagat at tinawanan ng netizens ang naging hirit ni Andrea kay Ricci na hindi umano ito nagpapa-laundry kaya naman ito ang report na ginawan ni Gretchen Fullido para sa TV Patrol.

Nang matapos ang report, may maikling kwentuhan ang tatlong TV Patrol anchors para sa kanilang opening spiel.

Tanong ni Alvin Elchico, “Anong isang taon? Isang taong hindi nagla-laundry ng alin?” 

“Mga damit siguro ano ba ang ila-laundry? Eh di damit,” reply ni Kabayan.

“Oh, eh, bakit isang taon? Parang side A at side B ganu’n?” hirit pa ni Alvin kaya't natawa si Bernadette.

Para naman kay Bernadette, “Baka naman naiwan niya sa trunk ng kotse ‘yung kanyang damit kaya isang taong hindi nalabhan?”  

“Malay mo naman. Baka hindi mabaho ‘yung tao. Ba’t nga ba hindi nagpa-laundry?” dagdag pa niya.

Huling hirit pa ni Kabayan, “Yan ang hirap kapag nag-away kayo ng ex pati sikreto mo ibubulgar.” 

Narito ang buong video: