Ivana Alawi nagbigay ng ideya kung gaano kalaki ang kita sa mga vlog: "Usually may..."

Ivana Alawi nagbigay ng ideya kung gaano kalaki ang kita sa mga vlog: "Usually may..."

Ivana Alawi nagbigay ng ideya kung gaano kalaki ang kita sa mga vlog: "Usually may..."


 - Binigyan ng ideya ni Ivana Alawi ang mga manonood sa kung magkano ang kanyang kinikita sa pagvo-vlog

- Nagbabayad naman daw ito ng tax kaya wala itong kinakatakot sa BIR

- Ayaw naman daw niya sanang ibigay ang mga detalye ng kanyang kita dahil baka sabihin ay nagyayabang siya

Nabanggit ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi sa kanyang vlog kung magkano 'usually' ang kinikita niya sa paggawa ng videos sa YouTube.

Hindi maikakailang maraming subscriber ang aktres at fans sa social media kaya naman malakas din ang hatak nito sa kanyang mga kita.

Aniya, "Usually may 200,000... 300,000... 400,000... 500,000. Pero guys nagbabayad naman ako ng tax. BIR kumusta you? Nagbabayad talaga ako ng tax kaya wala akong kinakatakot."

Ayaw naman daw niya sana itong banggitin dahil baka sabihin ng ilan ay nagyayabang lang siya. 

"Pero hindi ko alam kung gusto kong i-disclose baka isipin niyo nagyayabang... hindi!. Pero dahil tinatanong niyo nang tinatanong ayan okay," hirit nito.