Kuya Kim nabawi na ang social media accounts mula sa scammers!!

Kuya Kim nabawi na ang social media accounts mula sa scammers!!

Kuya Kim nabawi na ang social media accounts mula sa scammers!!
Masayang ibinahagi ni Kuya Kim sa kaniyang social media accounts na matagumpay na niyang nabawi ang kaniyang account.

Sa nakalipas na araw kasi ay nagbahagi ng ilang cryptic post ang social media accounts ni Kuya Kim na tila ba malayo sa kaniyang usual posting.

Nitong nagdaang araw lamang ay nakapag live pa ang hacker ng kaniyang account at nagmumungkahi pa na sumali sa kaniyang palaro na maaari umanong manalo ng limpak na salapi.

Ipinaliwanag ni Kuya Kim na na hack umano ang kaniyang account at may ibang nanggaya ng kaniyang identity, mabuti na lamang at nakapag register na umano siya ng kaniyang sim card kaya naman madali na niya itong nabawi.

Sa huli ay nagbigay ng payo si Kuya Kim sa marami na mas makabubuting makapag register na agad ng kani kaniyang sim card dahil naka kabit ito sa lahat ng mga social media accounts natin, maging sa Online banking, shopping, streaming services at ilan pang online gaming.

Panoorin ang kabuuan rito: