Fan ni Lea Salonga, sinabing walang masama sa kanyang ginawa: "Hindi ako nagsisisi"

Fan ni Lea Salonga, sinabing walang masama sa kanyang ginawa: "Hindi ako nagsisisi"

Fan ni Lea Salonga, sinabing walang masama sa kanyang ginawa: "Hindi ako nagsisisi"


 - Nanindigan ang fan ni Lea Salonga na nagpost ng viral 'dressing room' issue na wala umano silang ginawang masama sa singer


- Hindi rin daw siya nagsisisi na ipinost niya ang video dahil aniya'y gumaan ang loob niya matapos itong ipost

- Nauna rito, pumalag rin ang singer sa Twitter hinggil sa viral video ng kanyang fan

Kalat ngayon sa social media ang video ng Kapamilya singer na si Lea Salonga na tila'y tinatanggihan ang kanyang mga fans na magpapicture sa loob ng kanyang personal dressing room.

Ang nagpost ng naturang video ay si Christopher Carpila na nainterview kamakailan at nanindigang walang masama sa kanilang ginawa.

Ngunit bago ito, matapos magviral ang video ni Ms. Lea ay nag-tweet muna ito hinggil sa lumalaking issue niya. Hirit nito, “The money you pay for a theater/concert ticket does not mean all-access. You pay for that performer’s art, and that’s where it stops."

Ang nabanggit na theather concert ay ang kanyang Broadway musical na 'Here Lies Love' na pinanood ni Christopher kasama pa ng ilan niyang kaibigan.

Giit ni Christopher sa One PH, “Siyempre tayong mga Pilipino, di ba, kapag may show, gusto natin para may remembrance tayo, makapag-picture tayo. Noong labasan na, nagtanong kami sa isang personnel kung saan namin pwedeng makita si Ms. Lea.”

“In-instruct niya kami na pumunta sa exit door, which is kung saan lumalabas ‘yung mga artista kapag talagang magsa-sign ng autograph or pauwi na, so pumunta po kami doon. Ito po ‘yung sa pinakalabas ng theater,” dagdag pa niya.

Sabi pa ng lalaki, matapos daw nilang maghintay ng matagal ay nagtanong sila sa isang staff kung saan makikita si Lea. Dito raw nabanggit ng staff na baka nasa dressing room ito.

Tinanong raw ang pangalan nila at inassist papuntang dressing room kung saan ay ibang tao rin na nakapila.

“Wala po kaming na-name drop na kahit sino noong time na ‘yun… at pagdating ng moment namin, parang ready na kaming lahat. Tapos noong nakita namin siya, alam niyo ‘yung kandila na parang nalusaw? Parang hindi namin ine-expect but of course, nirerespeto po namin si Ms. Lea.

“Baka that time pagod po siya or whatever. Naiintindihan po namin ‘yun kaya kung mapapansin niyo po, noong nag-instruct siya sa amin na doon, doon, sinunod pa rin namin siya.

“Tapos right after ng show, suddenly doon sa exit which I think na malapit sa dressing room, nakita ko po si Ms. Lea. Bigla ko pong kinalabit ‘yung mga kasama ko na gustong magpa-picture sa kanya sa dance floor, dahan-dahan kaming lumapit pero sabi niya (sa security), ‘I don’t know them.'

Samantala, naninindigan itong walang mali, o hindi masama ang kanilang ginawa.

“Alam ko na wala po akong ginawang masama. Tao lang ako na ‘di nakapag-isip ng iki-click… tayong mga Pilipino kapag nakakaramdam ng konting sakit ng dibdib, nakakapag-post tayo, nakakapagsalita tayo ng mga bagay na hindi natin alam ang naging consequence. Ayun po siguro ang nangyari sa akin, dahil sa disappointment lang.

“Nirerespeto ko po si (Lea). Hindi ako nagsisisi na ipinost ko siya kasi nga lumuwag ‘yung dibdib ko. Nailabas ko disappointment sa dibdib ko. Nailabas ko na siya.

“I think hindi naman po ako nag-cross sa boundaries niya. Naipakita naman po sa video ‘yun. Hindi naman ako lumapit sa kanya nang malapit na malapit,” pagpapaliwanag pa ng lalaki.