Enrique Gil may 'update' sa relasyon nila ni Liza; Busy daw sa mga career...

Enrique Gil may 'update' sa relasyon nila ni Liza; Busy daw sa mga career...

Enrique Gil may 'update' sa relasyon nila ni Liza; Busy daw sa mga career...


- Masayang nireveal ni Enrique Gil ang kanyang bagong pelikulang kukunan sa bansang Thailand

- Maliban pa dito, may mga nakasunod na raw siyang proyekto at isa pang pelikulang isho-shoot naman sa Finland

- May pa-'update' naman ito sa relasyon nila ng girlfriend na si Liza Soberano matapos ang mga chismis na hiwalay na ito

Pasabog ang bagong pelikula ng Kapamilya star na si Enrique Gil dahil mas 'daring' at ibang Enrique umano ang inyong mapapanood sa mga sinehan.

Ito ang 'I am Not Big Bird' sa direksyon ni Victor Villanueva na mula sa Anima at Black Sheep Productions. Makakasama ni Enrique sa big screen sina Pepe Herrera, Nikko Natividad, at Red Ollero.

Dahil balik-showbiz na ang aktor, na-interview naman ng ABS-CBN si Enrique at dito natanong siya sa lagay nila ngayon ni Liza.

Aniya, 'good' daw sila ng aktres ngunit busy sila sa kanya-kanya nilang mga career at projects.

“You know I’m busy with all my projects. She is busy with all her projects naman. She is focusing more on international work which is super super good for her.”

“You know kahit super busy kami we still support each other no matter what. Yeah! super happy for her, super happy for me too,” dagdag pa nito.

Maliban sa 'I am Not Big Bird', isa pa umanong movie ang pagbibidahan nito na isho-shoot naman sa Finland.