Elisse Joson 'naloka' sa balitang buntis ulit ito: "Saan kaya galing 'yun?"

Elisse Joson 'naloka' sa balitang buntis ulit ito: "Saan kaya galing 'yun?"

Elisse Joson 'naloka' sa balitang buntis ulit ito: "Saan kaya galing 'yun?"


- Tila naloka si Elisse Joson sa balitang pinagbubuntis na nito ang pangalawang anak kay McCoy de Leon

- Ito'y matapos siyang mainterview ni Gretchen Fullido sa TV Patrol at sa TikTok video nito

- Bibida naman si Elisse sa bagong hapon-serye na 'Pira-Pirasong Paraiso' simula July 25

Sinagot na ng Kapamilya actress na si Elisse Joson ang mga chismis sa kanya na 'di umano'y buntis daw ito sa pangalawang anak kay McCoy de Leon.

Mismong si Gretchen Fullido na ang nagtanong kay Elisse kung totoo nga ba ang balitang chinichika ng netizens. Ito ang kanyang report na ibinalita niya sa TV Patrol.

Kasama ni Ellise ang kanyang co-stars sa 'Pira-Pirasong Paraiso' habang sinasagot ang tanong ni Gretchen. "Nakakaloka! Magtatrabaho po muna tayo," hirit nito.

Aniya, nilagnat lang daw siya noong isang araw ngunit walang katotohanan ang balitang siya'y buntis.

Singit naman ni Charlie Dizon, “Kasi may naghanap kay Elisse ‘nung nag-promo kami. Tapos parang ang daming nag-react kung bakit siya lang ‘yung wala, pero ang totoo nilagnat talaga si Elisse.”

Mapapanood naman ang Pira-Pirasong Paraiso simula July 25 tuwing hapon, 3PM.