Pagkatapos maaksidente, Gigi de Lana ninakawan at naubos ang pera sa bangko

Pagkatapos maaksidente, Gigi de Lana ninakawan at naubos ang pera sa bangko

Pagkatapos maaksidente, Gigi de Lana ninakawan at naubos ang pera sa bangko


 - Nakakalungkot ang nangyayari ngayon sa singer na si Gigi de Lana pagkatapos nitong ipost ang kanyang karamdaman sa social media

- Nanawagan ito sa publiko na sana'y huwag nang mang-scam at mangloko ng tao dahil nanakawan ito ng pera sa bangko

- Binebenta rin nito ang kanyang mga damit online upang masagot ang pangangailangan ng ina niyang may cancer

Viral sa social media ang post ng singer na si Gigi de Lana matapos ipakita sa publiko ang tunay niyang karamdaman nitong mga nagdaang araw.

Umani ng maraming reaksyon at komento mula sa netizens ang nasabing post niya dahil makikita sa mga litratong kanyang binahagi ang nakakaawang lagay ng singer.

Kita sa kanyang balat na namamaga ito at labis ang pamumula dahil sa aksidente niyang natamo kamakailan. Aniya, pagkatapos daw niyang maaksidente ay mga scammers naman ang problema niya.

Nasimot kasi sa kanyang BDO ang kanyang perang para sana sa medical bills ng kanyang ina na may stage 4 cancer. 

"Ninakawan ako sa BDO kinuha lahat ng laman. Na pang medical bills sana yun ni mama. Kaso wala kayo awa," pahayag ni Gigi.

"Sinabihan pa ako sa phone call ng “get well soon po kay maam gigi” tapos after nun ninakawan na ako ng tuloy tuloy hanggang sa maubos laman. grabe kayo. Di na kayo naawa," dagdag pa niya.

Nakiusap naman ito na itigil na umano ang pang-iiscam ng kapwa at maging mas mabuti na lamang para sa isa't isa.