Ilang mga Kapuso, nagreact sa nalalapit na pag-ere ng It's Showtime sa GTV: "Kapamuso..."

Ilang mga Kapuso, nagreact sa nalalapit na pag-ere ng It's Showtime sa GTV: "Kapamuso..."

Ilang mga Kapuso, nagreact sa nalalapit na pag-ere ng It's Showtime sa GTV: "Kapamuso..."


 - Nagreact ang ilang mga Kapuso personalities hinggil sa nalalapit na pag-ere ng Kapamilya noontime show na 'It's Showtime'

- Isa rito ang writer na si Suzette Doctolero na tila excited na rin sa makasaysayang pagpapalit-tahanan ng It's Showtime

- Masaya rin naman sa balitang ito ang dating Showtime host na si Kim Atienza pati ang Kapuso news anchor na si Arnold Clavio

Binasag ng It's Showtime ang online world nitong June 20, 2023 dahil sa pangmalakasang announcement nila sa magiging bagong tahanan ng kanilang pamilya.

Simula kasi sa July, kasama na rin ang mga Kapuso sa madlang people dahil mapapanood na rin ito sa sister channel ng GMA Network na GTV kung saan makakalaban ng Showtime ang bagong show ng TVJ sa TV5.

Maraming nag-react sa announcement na ito dahil kailanman ay hindi umano nila inakala na mangyayari ang ganitong plano sa pagitan ng ABS-CBN at GMA.

Napatweet naman tungkol dito ang kilalang GMA head writer na si Suzette Doctolero. Aniya, magiging 'exciting' daw ang noontime ng GMA at GTV at winelcome pa niya ang mga madlang people sa GMA-7.


May netizen din na minention si Kim Atienza kung anong reaksyon niya sa balitang ito. Masaya raw siya sa nangyayari ngayon sa Showtime at mananatiling malapit ito sa kanya kahit anong istasyon. 

Pati nga ang Kapuso newscaster na si Arnold Clavio ay tila nabigla kaya naman nirepost niya ang pahayag ng ABS-CBN para sa bigating announcement. Maikling comment niya, "Kapamuso."