KaladKaren, nagreact sa mga nakukumpara sa kanya kay Vice Ganda: "Iba rin 'yung style niya..."

KaladKaren, nagreact sa mga nakukumpara sa kanya kay Vice Ganda: "Iba rin 'yung style niya..."

KaladKaren, nagreact sa mga nakukumpara sa kanya kay Vice Ganda: "Iba rin 'yung style niya..."


 - Nagreact ang aktres na si KaladKaren sa mga nagkukumpara sa kanya sa phenomenal star na si Vice Ganda

- Aniya, incomparable umano si Vice dahil maliban sa pagiging 'unkabogable' ito rin daw ay box-office queen

- Mayroon rin naman daw kasi siyang sariling style na wala sa Vice katulad ng pag-uulat ng balita

Nainterview ang certified Star Magic artist na si KaladKaren matapos nitong pumirma ng kontrata sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Nabibigyan na kasi ngayon ng spotlight sa showbiz industry si KaladKaren matapos nitong manalo ng 'Best Supporting Actress' para sa 1st Summer MMFF kaya naman mas nagiging sikat at kilala na ito.

Dahil dito ay nakukumpara siya sa unkabogable superstar na si Vice Ganda na isang icon sa entertainment industry.

May sagot naman dito si KaladKaren at sinabing, “Parang kapag sinabi mong Vice Ganda, Unkabogable Box-Office, Phenomenal Superstar, parang incomparable si Vice Ganda, eh. Hindi mo siya pwedeng ikumpara kahit kanino.”

Aniya pa, iba rin daw kasi ang 'branding' niya kay Vice kaya naman hindi talaga maikukumpara nang buo si Vice sa kanya. Mayroon daw kasi siyang ginagawang pagbabalita na hindi naman ginagawa ni Vice.

“Ako naman, transgender woman ako, iba ‘yung branding ko siyempre kay Meme. I also do the news na hindi naman niya ginagawa.

“Sa hosting, iba rin ‘yung style niya sa hosting kasi mas nakakapagpatawa siya, so mas iba ang atake niya kaysa sa akin,” pagbabahagi nito.

At dahil nagmarka na si Vice sa industriya, wala naman daw siyang balak na agawin ang trono na pagmamay-ari ng phenomenal star.

“Hindi. At saka, wala akong balak mang-agaw ng trono ng kahit na sino.”