Bukol sa dibdib ni Melai, nawala dahil sa kanyang dasal: "Ipinag-pray ko..."

Bukol sa dibdib ni Melai, nawala dahil sa kanyang dasal: "Ipinag-pray ko..."

Bukol sa dibdib ni Melai, nawala dahil sa kanyang dasal: "Ipinag-pray ko..."


- Himalang nawala ang matigas na bukol sa dibdib ni Melai dahil umano sa kanyang pagdadasal

- Aniya, nagsimba raw siya sa Cebu dahil ang goal niya raw talaga ay doon siya magdasal

- Pagkatapos niya raw makiusap sa Panginoon ay nawala nalang bigla ang bukol kahit hindi ito nagpa-check up

Mayroong nakwento ang 'Magandang Buhay' host na si Melai Cantiveros matapos nitong 'masurvive' ang kanyang pinagdaanan dahil sa bukol.

Kwento niya sa June 27 episode ng Magandang Buhay, hindi niya raw ibinalita sa kanyang pamilya ang tungkol sa bukol at first time niya itong ibabahagi sa programa.

“Parang nagkaroon ako ng bukol sa may [dibdib] kasi. Ngayon ko lang ito sasabihin, hindi rin ito alam ng family ko," pagkukwento ni Melai.

Aniya, ang goal niya nang magpunta ng Cebu ay makapagdasal sa mga simbahan doon at makausap ang Panginoon tungkol sa lagay ng kanyang dibdib.

“Noong nagbakasyon ako ng Cebu, ang goal ko talaga na mapuntahan ang mga simbahan doon at sa Bohol. Doon ako nag-pray,” pagbabahagi ng momshie.

Himala naman daw na nawala ang kanyang bukol dahil kahit hindi ito nagpacheck up, tila gumaling na agad ito.

“Ipinag-pray ko talaga. Dapat magpapa-check up na ako after ng cycle na ito (taping sa Magandang Buhay). Bago ako magpa-check up, sabi ko, ‘Lord, ikaw na ang bahala.

‘Hindi na ako mag-iisip.’ Kasi pumapasok na kung anu-anong negative sa isip.”

Dahil dito, mas napatunayan daw niya ang kapangyarihan ng Panginoong Diyos sa mga nananampalataya sa Kanya.

“In Jesus’ name, nawala. Grabe talaga si Lord. Kaya sinabi ko, simula ngayon, hindi na ako mag-iisip ng kung anu-anong negative kasi alam ko si Lord nandiyan,” dagdag pa niya.