Bawal kay Seth? KaladKaren, ready makipag-'higupan' kay Joshua Garcia: "Macha-challenge rin ako..."

Bawal kay Seth? KaladKaren, ready makipag-'higupan' kay Joshua Garcia: "Macha-challenge rin ako..."

Bawal kay Seth? KaladKaren, ready makipag-'higupan' kay Joshua Garcia: "Macha-challenge rin ako..."


- Pumirma ng kontrata ang impersonator-actress na si KaladKaren sa ilalim ng Star Magic nitong June 26, 2023

- Kasado naman na ang kanyang mga proyekto sa ABS-CBN at mapapanood pa rin sa 'Frontline Pilipinas' bilang segment host

- Challenging naman daw para sa kanya bilang aktres ang makasama si Joshua Garcia sa isang proyekto

Certified Kapamilya na talaga ang aktres na si KaladKaren matapos nitong pumirma ng kontrata nitong Lunes, June 26 sa Star Magic upang mahasa pa ng management ang kanyang talento.

Emosyonal na nagbahagi si KaladKaren sa mga Kapamilya ngayong isa na siyang Star Magic artist. Nagpasalamat ito sa mga taong nagtitiwala at nagmamahal sa kanyang hanggang ngayon.

Inaasahan naman ang mga big projects niya sa ABS-CBN nang ibahagi niyang magkakaroon siya ng reality show, isang teleserye, at isang pelikula. Malaking oportunidad ito para sa kanya upang ilabas ang kanyang acting skills ngayong nag-uwi ito ng parangal mula sa (Summer) MMFF bilang Best Supporting Actress.

Natanong naman ito ng isang bahagi ng press kung sino sa mga male celebrities ang bet niyang makapartner sa isang proyekto. Hindi naman daw niya pipiliin ang mga batang artista dahil magiging awkward naman daw ito.

"Siyempre, hindi naman ako para mag-Seth Fedelin pa! May kapatid kasi akong 22 years old, so parang awkward naman kung ganu’n kabata ang makakatambal ko,” nakatawang hirit ni KaladKaren.

Ngunit game naman daw ito kung si Joshua Garcia ang makakatambal, “Siguro, Joshua Garcia, mga ganyan, puwede-pwede na. Saka nakita ko kung ano ‘yung ginawa niya kay ate Jodi du’n sa Unbreak My Heart.” 

"Parang kaya kong lumaban sa higupan, parang ganu’n, masaya naman.

“Saka aktor talaga si Joshua, feeling ko kung makaka-partner ko siya, matsa-challenge rin ako bilang isang aktres. Laban lung laban,” dagdag pa niya.