Ogie Diaz pinatamaan ang may utang sa kanya: 'Gawin nyong New Year's resolution ang magkaroon ng hiya..."

Ogie Diaz pinatamaan ang may utang sa kanya: 'Gawin nyong New Year's resolution ang magkaroon ng hiya..."

Ogie Diaz pinatamaan ang may utang sa kanya: 'Gawin nyong New Year's resolution ang magkaroon ng hiya..."


 - May gustong sabihin ang talent manager na si Ogie Diaz sa mga may utang sa kanya na idinaan niya sa isang IG story 

- Wala raw munang uutang sa kanya ngayon dahil nag-iipon ito para sa future ng kanyang mga anak

- Sana naman daw ay gawing New Year's resolution ng mga mangungutang ang magkaroon ng hiya sa katawan at mabayaran na ang mga utang

May hirit ang kilalang manager na si Ogie Diaz ngayong bagong taon sa mga may utang at mga may balak mangutang sa kanya.

Idinaan niya ito sa kanyang Instagram story at ipinaalam sa lahat na hindi muna siya ngayon magpapautang. Sunod-sunod daw kasi ang gastos at nag-iipon ito para sa future ng kanyang anak.

"Wala muna pong uutang. Sunud-sunod po ang gastos. Di nyo lang po naitatanong, muntik na po akong mag-callboy. Kaso, naalala ko, bakla pala ako, hindi pwede," pabirong saad ni Ogie.

Balak din niyang mag-ipon dahil hindi lang naman umano ang mga mangungutang ang may future, mga anak din daw niya.

"So nag-iipon po ako ngayon para sa future ng mga anak ko. Hindi lang po kayo ang may future. Mga anak ko din po.

"Dun naman sa mga may utang sa akin, utang na loob, gawin nyong New Year's resolution ang magkaroon ng hiya sa katawan!" mensahe pa ni Ogie sa mga may utang sa kanya.