Catriona Gray, handa na sa kanyang pagbabalik sa Miss Universe stage

Catriona Gray, handa na sa kanyang pagbabalik sa Miss Universe stage

Catriona Gray, handa na sa kanyang pagbabalik sa Miss Universe stage
Nasa Amerika na ngayon si Catriona Gray para maghanda sa finals ng 71st Miss Universe pageant. 

Nakatakdang magbalik ang 2018 title holder sa Miss Universe stage upang magsilbi bilang isa sa mga backstage commentator sa final showdown ng mga kandidata na gaganapin sa darating na January 15 (PhST) sa New Orleans.

"30hours later....Touchdown New Orleans!So excited for the #71stMissUniverse ! I gotta catch up on the preliminary show!," ani ni Catriona sa kanyang Instagram post.

Makakasama niya ang Emmy Award-winning host at "American Ninja Warrior" presenter na si Zuri Hall, na isa ring correspondent para sa "Access Hollywood."

Noong Oktubre, dumalo si Catriona sa “One Universe” presentation sa Bangkok, Thailand, na ginanap pagkatapos ng anunsyo tungkol kay Anne Jakrajutatip bilang bagong nagmamay-ari ng MUO.

Mas maraming Pinoy ang makakapanood ng laban ng ating pambatong si Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022 dahil ipapalabas sa iba’t ibang ABS-CBN platforms ang ika-71 na edisyon ng pinakainaabangang pageant sa buong mundo.

Subaybayan ang 71st Miss Universe competition nang live mula sa USA sa Enero 15, 9 AM sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC.

Maaari mapanood ang same-day replay nang 10:30 ng gabi sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, TV5, at iWantTFC. Magkakaroon din ng mga replay sa Metro Channel sa ibang araw sa loob ng linggo.