Carlo Aquino, may pakiusap sa dating partner: "Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa...."

Carlo Aquino, may pakiusap sa dating partner: "Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa...."

Carlo Aquino, may pakiusap sa dating partner: "Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa...."
Naglabas ng hinaing ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino sa kanyang ex-partner na si Trina candaza tungkol sa kanilang anak na si Enola Mithi.

Sa panayam sa aktor sa naganap na press conference ng kanyang pinagbibidahang pelikula kasama si Barbie Imperial na 'I Love Lizzy," inamin ni Carlo na naaapektuhan siya sa pagkakawalay sa kanyang anak simula pa noong Nobyembre.

Ayon kay Carlo ay sinusubukan niya umanong ipaabot kay Trina ang kanyang kagustuhang makasama ang anak ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag.

“Ayaw ko kasing magsalita ng anything against her, ‘di ba. Kasi at the end of the day, mom siya ni Mithi. Basta nag-reach out po ako. Tinanong ko po kung kelan ko puwedeng makasama, New Year ba, kasi usually ganun po, eh. Wala pong sagot. 

"Siyem­pre importante ‘yung time with me, ‘yung time din with my parents, ‘yung lolo’t lola na senior na, sila mommy at daddy. Sana, ‘di ba, mahiram ko naman. Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa, ayoko nang isa-isahin, ng mga kailangan nila,” saad ng aktor.

Nang tanungin si Carlo kung ano sa tingin niya ang naging problema sa pagitan nila ni Trina kung bakit nito pinagkakait sa kanya ang kanilang anak, sinabi nitong ayaw niya munang magsalita dahil hindi umano niya alam kung ano ang nangyayari.

"Kasi minsan okay, ipapasundo, ‘yung ganyan, sana talaga alam ko. Kasi ‘yun nga, at this point, ‘di ba, dapat ‘yung discussion natin is about co-parenting, kung paano natin papalakihin si Mithi individually? Kailangan niya ng tatay, kailangan niya ng nanay. At the end of the day, sa lahat ng mga lumalabas, ‘yung magsa-suffer, sino? ‘Pag nagkaisip na siya”

Sa nasabing press conference event din ay inamin na ng aktor na nasa 'dating stage' na sila ng Kapamilya actress na si Charlie Dizon. Magkasama umano ang dalawa na nagdiwang ng Bagong Taon sa La Union kasama rin ang pamilya ng aktor.

Magtatambal rin sa pelikula na "Love on a Budget" sina Charlie at Carlo ngayong taon sa ilalim ng produksyon ng Black Sheep.