Barbie Imperial sa ikinaso sa kaniya ni Debbie Garcia, "Pag inulit-ulit kasi parang bastos na diba?"

Barbie Imperial sa ikinaso sa kaniya ni Debbie Garcia, "Pag inulit-ulit kasi parang bastos na diba?"

Barbie Imperial sa ikinaso sa kaniya ni Debbie Garcia, "Pag inulit-ulit kasi parang bastos na diba?"
- Nagsalita na sa unang pagkakataon si Barbie Imperial hingil sa isyu nila ni Debbie 

- Nilinaw nito na hindi rin patungkol sa lalaki ang naging hidwaan nilang dalawa

- Handa umano siyang harapin ang anumang kasong isasampa sa kaniya ni Debbie

Kamakailan lamang ay nag viral at usap-usapan ang isyu patungkol kina Barbie Imperial at Debbie Garcia na nagkaroon ng pisikalang awayan umano ang dalawa sa isang bar.

Mabilis na kumalat ang isyu kung saan makikita pang nagpa blotter si Debbie laban kay Barbie.

Sa isang panayam ay sinagot na ni Barbie ang naturang isyu nila ni Debbie at inaming naka move-on na siya sa pangyayari. Hindi na umano siya nagsalita pa noong una dahil sa inaasahan niyang nasa korte na ang kaso.

Ngunit sa kasalukuyan ay wala umanong siyang update sa naturang kaso, wala pa umanong dumarating na subpoena para sa kaniya ngunit sakaling dumating raw ito ay handa naman siyang harapin ito.

Kasabay nito ay itinanggi niyang dahil sa lalaki ang naging dahilan ng awayan nila ni Debbie.

"Honestly for me kasi we were friends before, something happened lang na malalim. Ako naman po hindi naman ako ‘yung tao na nagagalit if wala naman, chances were given before pero pag inulit-ulit kasi parang bastos na ‘di ba?,” pagku-kwento ni Barbie.

“So, nandun po ako sa point na ayoko na, na mag-reconnect ever. Parang leave it that way, walang bastusan pero done… done,” dagdag pa niya.

Panoorin ang kabuuan dito: