Gillian Vicencio, inaming hindi pa ready magka-relasyon kay Yves: "Hindi ko naman sinasabi na..."

Gillian Vicencio, inaming hindi pa ready magka-relasyon kay Yves: "Hindi ko naman sinasabi na..."

Gillian Vicencio, inaming hindi pa ready magka-relasyon kay Yves: "Hindi ko naman sinasabi na..."


 - Inamin ni Gillian Vicencio na hindi pa siya open ngayon sa isang relasyon dahil takot umano siyang masaktan

- Ngunit nilinaw naman niyang hindi niya sinasabing sasaktan siya ni Yves Flores kung sakaling maging sila sa totoong buhay

- Para naman kay Yves, bukas siya sa posibilidad na maging sila ni Gillian ngunit ngayon ay hanggang friends lamang daw sila

Talagang benta sa netizens ang tambalang 'ReTox' ng seryeng '2 Good 2 Be True' na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Matapos ngang magpakilig sina Gillian Vicencio at Yves Flores sa tambalang 'ReTox', inamin na ng dalawa kung may namamagitan nga ba sa kanila sa likod ng camera.

Mula sa 'Star Magic Inside News', sinabi ni Gillian na hindi pa siya open sa isang relasyon dahil gusto umano muna niyang mag-focus sa sarili lalo na't mag-iisang taon pa lang ang huli niyang break-up.

“Parang ‘di pa po kasi ako ready to enter into a relationship again. Pagod pa ako. Parang ‘di pa ready ‘yung puso ko na magmahal ulit kasi takot akong masaktan eh.

“Pero hindi ko naman sinasabi na sasaktan ako ni Yves. Kasi sobrang bait naman ng tao tsaka maalaga, sweet. Hindi pa ako ready na i-share ‘yung buhay ko sa ibang tao as of now,” pagbabahagi nito.

Ani rin niya, komportableng-komportable silang dalawa sa set kaya naman nagkakaroon ng pang-aasar ang iba pang cast sa relasyon nila, close na close raw kasi sila at walang ilingan sa show.

Tinatanong kasi ng mga tao, lalo na sa set namin, inaasar kaming dalawa eh kung ano ba talaga nangyayari sa amin o kung may chance ba kasi parang may something. Siguro nadadala na rin sa eksena o lagi kaming magkasama,” kwento naman ni Yves.

'G' naman daw silang dalawa kung bibigyan sila ng management ng bagong serye kung saan sila ang love team ngunit mas dapat daw muna nating abangan kung ano ang magiging takbo ng istorya nila sa finale ng 2 Good 2 Be True.