"Pumila ba yan?", fans ni Joshua Garcia sa pag 'lowkey flex' ng aktor sa napapabalitang girlfriend nito

"Pumila ba yan?", fans ni Joshua Garcia sa pag 'lowkey flex' ng aktor sa napapabalitang girlfriend nito

"Pumila ba yan?", fans ni Joshua Garcia sa pag 'lowkey flex' ng aktor sa napapabalitang girlfriend nito


Nabulabog ang fans ng aktor at tinaguriang TikTok King na si Joshua Garcia matapos nitong ipost sa kanyang Instagram photography account na @jeg.imahe ang isang reel tampok ang YouTube vlogger na si Bella Racelis.


Nag-iwan din ang Kapamilya actor ng kumakaway na emoji sa glammed up look ni Bella na makikita sa kanyang Instagram account.
 

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-react ang aktor sa mga larawan o nag-iwan ng mga komento sa Instagram ng YouTuber, bukod pa ang umano'y Spotify playlist na pinagsasaluhan ng dalawa.


Nagsimula ang mga haka-haka tungkol sa relasyon ng dalawa dahil sa video na kumalat online kung saan makikitang komportableng-komportable ang dalawa habang magkasama sa isang party.


Hati naman ang reaksyon ng fans ng aktor tungkol sa isyu ng relasyon nito kay Bella. Marami ang idinaan na lamang sa biro at napatanong kung pumila raw ba ng tama ang Youtube vlogger. 


"Alsoo this Bella Racelis and Joshua Garcia is not bagay. For me, they just give off that “siblings vibe” No kilig factor, nothing special," ani naman ng isang netizen.

"Hindi po parte si joshua garcia ng "exclusive loveteam" para pagbawalan sya mag lovelife, "solo act" po yung career pathing nya ngayon. i-respeto po natin personal space nya," wika ng isa pang fan.


Nitong mga nakaraang buwan lamang ay naging laman din ng balita ang pagkakamabutihan ng aktor at ng isa pang Bella, ang TikTok superstar na si Bella Poarch. 


Kasalukuyang napapanood ang aktor bilang si Brian sa Darna TV series katambal ni Jane De Leon.