Narda-Brian no more? Netizens, ship sina Jane at Janella bilang 'DarLentina'

Narda-Brian no more? Netizens, ship sina Jane at Janella bilang 'DarLentina'

Narda-Brian no more? Netizens, ship sina Jane at Janella bilang 'DarLentina'


 - 'Kilig' ang fans ng 'Darna' serye sa ABS-CBN matapos nilang mapansing may matinding chemistry sina Jane de Leon at Janella Salvador

- Kanya-kanyang artworks na rin ang naglalabasan na nagshi-'ship' sa karakter nila bilang sina Darna at Valentina

- Marami pa rin namang sumusuporta kina Narda at Brian kung sila nga ba ang magkakatuluyan sa dulo ng kwento

Hype na hype ngayon sa social media ang mga posts at tweets sa kung paano nilang gustong magkatuluyan sina 'DarLentina' ng 'Darna: The TV Series' ng ABS-CBN.

Kuha ang 'ship name' na 'DarLentina' sa 'Darna' at 'Valentina' na binigyang-buhay nina Jane de Leon at Janella Salvador.

Kabi-kabila na rin ang mga artworks ng 'DarLentina' at may mga ilang pang gumawa ng comics upang matuloy ang kanilang gustong kwento para kina Narda at Regina.

Viral din ang DarLentina digital art ni Drawwithbibi, nang inupload niya ito sa Facebook.
'Di rin nagpahuli ang DarLentina comic ni 9bebop kung saan pinamagatan niya ito ng 'Darna x Valentina from different universe'.
Pati sa comments section ng CinemaBravo, nagkalat ang mga 'shippers' ng DarLentina.
Acknowledged naman ni Ms. Julie Anne Benitez, ang head ng JRB Creative Production, ang DarLentina. May isang fan kasing nag-tweet kung gaano 'kalakas' ang tandem ng Darna-Valentina.

Mapapanood ang 'Darna' gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, A2Z, TV5, CineMo, Jeepney TV, iWantTFC, at TFC WORLDWIDE.