John Lloyd, malaki ang pasasalamat kay Derek sa binibigay na atensyon kay Elias

John Lloyd, malaki ang pasasalamat kay Derek sa binibigay na atensyon kay Elias

John Lloyd, malaki ang pasasalamat kay Derek sa binibigay na atensyon kay Elias

Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog na nagkaroon siya ng pagkakataon na makakwentuhan ang actor na si John Lloyd Cruz tungkol sa ex-partner nitong si Ellen Adarna at asawang si Derek Ramsey.

Nagpapasalamat diumano si John Lloyd sa ginagampanan ni Derek sa pagpapalaki sa kanyang anak na si Elias.

“Sabi ko, ‘Buti okay kayo ni Ellen sa bata.’ Sabi niya, ‘Oo naman, kapag gusto ko naman hiramin yung anak ko, nahihiram ko naman,’” wika umano ng aktor ng matanong tungkol sa setup nila ng dating karelasyon sa pagiging magulang sa kanilang anak.

“Maganda rin na nandoon si Derek kasi naiintindihan ako ni Derek bilang tatay din siya.

“Ang ganda ng ginagawa ni Derek para sa anak ko. Four years old pa lang si Elias pero parang matured na. Kung hindi ganun si Derek, hindi ko alam kung anong ugali ngayon ni Elias,” kwento pa umano ni Lloydie na pinapahalagahan din nito ang relasyon ni Elias at Derek.

Muling nilinaw din ng aktor na walang anumang isyu o di pagkakaunawaan sa pagitan niya at ni Ellen.

Sa ngayon ay wala pang planong bumalik si Ellen sa mundo ng showbiz para magpokus sa kanyang apat na taong gulang na anak sa dating karelasyon. Bilang paghahanda na rin umano dahil gusto niya rin magkaanak kay Derek, at umaasang babae naman ang magiging kasunod ni Elias.

Kinokonsidera naman ni Derek na semi-retired na siya sa pag-arte para magpokus sa kanyang bagong pamilya.