Nadine, binura na ang pictures ni Christophe sa IG; break na nga ba?

Nadine, binura na ang pictures ni Christophe sa IG; break na nga ba?

Nadine, binura na ang pictures ni Christophe sa IG; break na nga ba?


 - Usap-usapan ngayon ang pagbubura 'di umano ni Nadine Lustre ng kanyang mga pictures kasama si Christophe Bariou

- Napansin din ng mga netizens na wala na rin sa Instagram ang pictures ng kanyang ex na si James Reid

- Kaya naman hinala ng mga ito ay break na sina Nadine at Christophe dahil sa pagkawala ng mga pictures nilang magkasama

Gumawa na naman ng ingay online ang relasyon ng Kapamilya actress na si Nadine Lustre matapos nitong burahin 'di umano sa kanyang Instagram feed ang litrato ng kanyang boyfriend na si Christophe Bariou.

Matatandaang nitong mga nakaraang buwan ay nagshi-share si Nadine ng kanyang mga sweet photos kasama ang kanyang nobyo sa Instagram.

Maraming netizens ang nakapansin sa nangyaring ito kabilang na ang ilang mga JaDine fans kaya naman nakita rin nilang wala na sa Instagram ni Nadine ang mga litrato ni James Reid.

Isa pa sa hinihinalang dahilan ng mga JaDine fans sa pagkawala ng pictures ni James ay ang maugong na balita sa social media na nagkakamabutihan na sina James at Nancy ng Momoland. Spotted kasi ang dalawa na nagdi-date sa Amerika kamakailan.

Dati na kasing na-link si James kay Nancy noong 2020 at isa ito sa mga itinuturong dahilan kung bakit nag-break nga ang JaDine.