Jessy, na-food poison habang buntis; Dinala sa ospital: "umiiyak na ako..."

Jessy, na-food poison habang buntis; Dinala sa ospital: "umiiyak na ako..."

Jessy, na-food poison habang buntis; Dinala sa ospital: "umiiyak na ako..."


 - Naikwento ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola kung paano sila natakot parehas nang ma-food poison si Jessy 

- Sa latest vlog ni Luis sa YouTube, ibinida nila ang pregnancy journey ni Jessy at dito nila nabanggit ang nangyaring food poisoning

- Hindi naman daw magandang na-food poison si Jessy ngunit buti na lang daw ay noong 6th week na siya dahil hindi pa masyadong buo si 'Peanut'

Nabiktima ng food poisoning ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola, base sa kanilang kwento sa YouTube vlog ni Luis Manzano.

Sa pregnancy journey ni Jessy, naikwento nilang habang buntis ito ay madalas itong punta nang punta sa banyo dahil sa pagkaka-food poison niya.

Maliban pa rito, nabanggit muna ni Luis na parang mas tumaba siya kaysa kay Jessy noong first trimester nito.

“Mas tumaba pa ako sa kanya noong first trimester. Parang napasa niya sa akin lahat,” chika ni Luis

“Hindi, alam mo kung bakit ako hindi tumaba noon, na food poison ako. Sixth week ko yata,” sabi naman ni Jessy.

Sobra-sobra naman daw ang pag-aalala nila dahil siyempre, hindi biro ang ma-food poison. “Grabe ‘yun, the whole day akong balik nang balik ng bathroom. Tapos, umiiyak na ako, tapos nagkalagnat na ako nu’ng hapon na, dinala na niya ako sa hospital.

“Buti na lang si Doc Medina malapit siya sa hospital nu’ng time na ‘yun, dinaanan niya talaga ako. Sinabihan niya ako na, ‘it’s okay basta’t maturukan ka lang ng dextrose.’

“Sabi niya, ‘of course hindi naman mabuti na nagka-food poisoning ka pero at least ngayon nangyari, noong 6th week.’ Kasi kumbaga hindi pa masyadong buo si Peanut,” ang kwento ni Jessy.

Ani naman ni Luis, “Never pa ako nakakitang ganu’n karaming beses nagbanyo ever.

“So, ako siyempre, and I’m sure para sa kanya din, actually, para sa akin doble ang worry ko. Siyempre, para sa misis ko at the same time para kay Peanut,” dagdag pa niya.