Julia Baretto, ayaw nang i-'flex' ang relasyon kay Gerald: "I'd like to keep that as private..."

Julia Baretto, ayaw nang i-'flex' ang relasyon kay Gerald: "I'd like to keep that as private..."

Julia Baretto, ayaw nang i-'flex' ang relasyon kay Gerald: "I'd like to keep that as private..."


 - May bagong pelikulang pagtatambalan ang Kapamilya artists na sina Julia Baretto at Carlo Aquino sa VIVA

- Sa presscon ng 'Expensive Candy', sinabi ni Julia na ito na ang pinaka-daring niyang pelikula matapos niyang magpa-sexy nang todo

- May sagot din ito sa mga netizens na iniintriga siya mga nang-iisyu kay Gerald at Kylie Padilla nang mag-shooting ito sa Switzerland

Kaabang-abang ang bagong handog nina Julia Baretto at Carlo Aquino sa mga fans nito matapos nitong magtambal sa 'Expensive Candy', na mapapanood na sa mga sinehan ngayong September 14.

Maraming chikang bitbit ang Kapamilya actress sa presscon niya para sa bago niyang pelikula. Aniya, palaban, daring, at matapang na Julia umano ang mapapanood natin dahil dito na niya tinodo ang kanyang pagpapa-sexy.

Aprubado naman sa kanyang ina ang script niya sa Expensive Candy kahit na may pagka-sensual ito.“My mother also read the script and she liked it. It’s time for me to come out of my comfort zone and do more mature roles.

“When I read his script, I felt I want to do this. I’m 25 and I feel I need to grow in my craft. But it’s also important that you enjoy what you’re doing and so far, ito na talaga ang pinaka-daring na ginawa ko and I’m happy with the challenges it gave me,” aniya pa.

May sagot na rin siya sa mga netizens na tinatanong siya sa isyu sa pagitan ng kanyang boyfriend at kay Kylie Padilla na kamakailang nagpunta sa Switzerland para sa shooting.

“I’ve always been very private with my personal life. I think with everything that has happened before, I’ve learned to be protective of my personal life.

“So, I’d like to keep that as private as much as possible and I’m just drawing that boundary between work and my personal life,” sagot ni Julia.