Garcia Tandem!, Joshua at Gabbi magtatambal sa unang sanib pwersang serye ng ABS-CBN at GMA?

Garcia Tandem!, Joshua at Gabbi magtatambal sa unang sanib pwersang serye ng ABS-CBN at GMA?

Garcia Tandem!, Joshua at Gabbi magtatambal sa unang sanib pwersang serye ng ABS-CBN at GMA?
- Magsasanib pwersa umano ang ABS-CBN at GMA sa pag gawa ng isang makasaysayang serye

- Ipo produce umano ito ng ABS-CBN Drama Production na pangungunahan ng Kapamilya at Kapuso stars

- Napipisil sina Joshua at Gabbi sa naturang makasaysayang serye

Magsasanib pwersa sa unang pagkakataon ang ABS-CBN at GMA sa paggawa ng isang malaking teleserye.

Ayon sa artikulong ibinahagi ng Entertainment website na PEP ay nakakuha sila ng impormasyon hingil sa inilulutong sanib pwersang proyekto ng ABS-CBN at GMA.

Matatandaang sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN para sa Free TV ay naging dahilan ito upang maging leading content provider ng bansa, nais na gumawa ng ABS-CBN ng mga pelikula at seryeng maaring mapalabas sa kahit ano pa mang plataporma kabilang na rito ang GMA.

Nauna ng nangyari ang sanib pwersang ito nitong unang bahagi ng 2022 nang ipalabas sa Kapuso Network ang mga naglalakihang pelikula ng Star Cinema, ang Film outfit ng ABS-CBN.

Sa panibagong sanib pwersang proyekto na ito ay pangungunahan ito ng Dreamscape Entertainment na siyang mag po produce ng serye at nakatakdang pagbidahan ng mga Kapamilya at Kapuso stars.

Napipisil nga sa naturang serye ang isa sa in demand leading man na si Joshua Garcia at ang kapuso actress na si Gabbi Garcia.

Wala pa mang opisyal na inihahayag ang ABS-CBN at GMA hingil sa proyektong ito pero tiyak na gagawa ng ingay ang bagay na ito!.