Ellen, sinabing nagji-'jiggle' ang kanyang b**bs; Derek, napa-comment

Ellen, sinabing nagji-'jiggle' ang kanyang b**bs; Derek, napa-comment

Ellen, sinabing nagji-'jiggle' ang kanyang b**bs; Derek, napa-comment


- Masayang ibinahagi ni Ellen Adarna sa Instagram na 'okay' na siya matapos ipatanggal niya ang kanyang 'breast implant' 

- Sa videong ipinost niya ay makikitang nag-eexercise ito matapos ang dalawang buwang pamamahinga dahil sa isinagawang 'breast explant'

- Nakuha naman niya ang atensiyon ng kanyang asawa at napa-comment pa sa Instagram post nito

Balik-workout na ulit ang aktes na si Ellen Adarna matapos nitong sumabak sa isang operasyon upang ipatanggal ang breast implant na dating mayroon siya.

Okay na okay na ang lagay ng aktres sa ibinahagi niyang Instagram post kung saan siya'y nagwo-workout na matapos ang dalawang buwan ng pamamahinga.

Sa kanyang caption ay masaya niyang ibinalita na fully-recovered na ang kanyang 'breast explant' at nagji-'jiggle' at 'wiggle' na ang kanyang dibdib.

"Took 2 months off, took my time to recover properly. 2 months post op breast explant. No more excuses (my first day of period).

"Whats left of my tittles can now jiggle jiggle wiggle wiggle," caption nito na sinundan ng hashtag na "gettingtheresurelybutslowly".

Mukhang nakuha naman niya ang atensiyon ni Derek dahil napa-comment pa ito kung gaano ka-'hot' ang kanyang asawa habang nagwo-workout.

"My hot wife," ang maikling komento nito sa post ni Ellen.

Matagal nang sinabi noon ng aktres na gusto na niya itong ipatanggal dahil sa nararamdaman niyang back pain at fatigue. 

“Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly. Goodbye chronic back pain, fatigue, and brain fog.”

“It was fun while it lasted," ang hirit pa niya sa silicone shells na dating nasa dibdib.