Seth Fedelin pinaalalahanan ang fans laban sa poser niya sa Twitter; "Please Ignore po..."

Seth Fedelin pinaalalahanan ang fans laban sa poser niya sa Twitter; "Please Ignore po..."

Seth Fedelin pinaalalahanan ang fans laban sa poser niya sa Twitter; "Please Ignore po..."
- Sa kaniyang official facebook account ay may paalala si Seth Fedelin

- Ibinahagi niya ang kaniyang Legit twitter account

- Ibinahagi rin niyabang poser o dummy account na ginagamit ang pangalan niya

Sa kaniyang official facebook account ay pinaalalahanan ni kapamilya young star Seth Fedelin ang kaniyang mga tagahanga patungkol sa twitter account niya.

Ibinahagi nito ang kaniyang official Twitter account kaakibat na rin ang isa pang twitter account na gumagamit ng kaniyang pangalan.

Naki usap itong i ignore ng lahat ang mga posts ng naturang poser account dahil hindi naman niya ito saloobin.

"Please ignore po ang mga Twitter Posts na galing sa poser account.

via Seth Fedelin

Twitter Legit account:
imsethfedelin

via Seth Fedelin

Twitter Poser/dummy account:
imsethfedeiin - naka capital letter yung isang letter i, kaya parang pareho at maraming naku-confuse," ani Seth sa kaniyang post.

Ang Legit twitter account niya ay mayroong 496K followers samantalang may mahigit sa 291K followers naman ang nasabing poser account niya.