Mariel, ipinaliwanag na ang tunay na dahilan kung bakit may nadagdag sa apelyido ng anak

Mariel, ipinaliwanag na ang tunay na dahilan kung bakit may nadagdag sa apelyido ng anak

Mariel, ipinaliwanag na ang tunay na dahilan kung bakit may nadagdag sa apelyido ng anak
- Ani Mariel Padilla, maraming nagtatanong kung bakit may nadagdag na "de" sa apelyido ng kanyang anak

- Sa kanyang Instagram account ay nilinaw ng aktres ang dahilan sa likod kung bakit nila ito idinagdag sa pangalan nina Gabriela at Isabella 

- Ito raw ay hiling ng kanyang asawang si Robin Padilla na isang actor-turned-politician upang bigyang parangal ang ninuno nito

Tila maraming netizens ang nagtataka sa apelyido ng anak nina Mariel at Robin Padilla kung bakit ito nagkaroon ng "de" sa mismong apelyido nina Isabella at Gabriela.

Kaya naman diretsahang nilinaw na ni Mariel ang dahilan sa likod ng pangalan ng kanyang dalawang anak kay Sen. Robin Padilla na isa sa may pinakamaraming boto nitong nagdaang Halalan.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ito ng litrato nina Isabella at Gabriela habang nakaupo sa rebulto ni Juan de Padilla, ninuno ng ngayo'y senador na si Robin.

Ang paglalagay ng "de" sa apelyido ng kanilang anak ay hiniling ng kanyang asawa upang parangalan ang kanyang ninuno.

Caption nito, "Most people ask me why my kids have “De” in their last name. It was Robin’s request when I was pregnant to honor their ancestors." 

Dagdag pa niya, si nasa dugo talaga nina Robin ang pagiging rebolusyonaryo pagkatapos nitong ipakilala si Juan de Padilla sa kanyang followers.

"Juan De Padilla is a spanish missionary, a leader in the Castilian war and a true revolutionary. I brought my kids to Toledo just for this photo (and also to do laundry). [So] now you know why Robin is the way he is… nasa dugo talaga nila ang pagiging Rebolusyonaryo," aniya.