Angel pinayuhan si Darna; Jane sa inaabangang costume: “this is it...”

Angel pinayuhan si Darna; Jane sa inaabangang costume: “this is it...”

Angel pinayuhan si Darna; Jane sa inaabangang costume: “this is it...”
- Inamin ng Kapamilya star na si Jane de Leon na binigyan siya ng tips ng dating gumanap na Darna ng GMA-7 na si Angel Locsin

- Naitanong naman kay Jane kung ano ang pinaka-bet niyang bersyon ng serye at kung marami na siyang pinanood na mga artistang gumanap bilang Darna

- Ibinahagi naman niya na naiyak siya noong sinusukat na niya ang headdress at ang costume noong nakaraang taon na iniintay na ng mga netizens

Isang ambush interview ang bumungad sa Kapamilya star na si Jane de Leon na nakatakda nang lumipad ngayong taon para sa pinaka-aabangang seryeng 'Darna: The TV Series' na mula sa likha ni Mars Ravelo.

Si Jane, ang bagong Narda, ay natanong kung marami na siyang napanood na Darna ng iba't-ibang bersyon sa nasabing panayam. Naibahagi rin nito kung anong serye ng Darna ang pinaka-tumatak sa kanya.

May payo nga rin si Angel Locsin sa kanya lalo na't isa ito sa pinaka-kilalang Darna na lumipad sa GMA-7 bago pa ang Kapuso actress na si Marian Rivera.

“May mga binigay naman siya sa ’king mga tips,” ani Jane.

“Siyempre kailangan ko talagang maging handa physically and ready dapat ako anytime. Sabi niya sa ’kin kapag pagod ako, sabihin ko lang daw talaga na I need to take a rest,” lahad nito. 

Naging emosyonal umano siya nang sukatin na niya ang Darna costume noong nakaraang taon dahil pagkatapos ng ilang taon ay talagang aarangkada na ang bersyon ng ABS-CBN ng Darna. 

“Yung ano pa nga lang po, actually yung head dress pa lang po ‘yung sinuot sa akin, mangiyak-ngiyak na po talaga ako. Umiyak po talaga ako.

“After ilang years, since 2019 po kasi ako in-announce and nasukat ko yung costume last year so doon lang po nag-sink in sa akin na ‘this is it’,” pagbabahagi ni Jane.