Kilalang beauty queen, naging kontrabida ng KathNiel; Umiwas mag-pageant?

Kilalang beauty queen, naging kontrabida ng KathNiel; Umiwas mag-pageant?

Kilalang beauty queen, naging kontrabida ng KathNiel; Umiwas mag-pageant?
- Mas pinili ng sikat na beauty queen na maging parte ng upcoming Kapamilya series kasama ang KathNiel kaysa sumabak sa panibagong beauty pageant

- Masaya nitong ipinahayag na next time na siyang sasabak sa korona at mas pinili niya muna ang KathNiel sa ngayon 

- Excited naman si Alyssa Muhlach na ipalabas na ang '2 Good 2 Be True' sa mga Kapamilya streaming sites at sa mga telebisyon

"I was actually thinking of joining another pageant this year. Pero sabi ko, ‘Next time na ang korona, KathNiel muna!’” ang naging pahayag ng Kapamilya beauty queen sa press launch ng KathNiel starrer series na '2 Good 2 Be True'.

Si Alyssa Muhlach ang itinanghal na Ms. Hispanoamerica Philippines sa Miss World Philippines taong 2018 at balak-balak naman nitong sumabak sa panibagong pageant ngayong taon ngunit 'di natuloy nang dahil sa offer sa kanya ng Kapamilya Network.


Tila nagbago ang ihip ng hangin para kay Alyssa nang maging bahagi siya ng pinaka-bagong handog ng ABS-CBN para sa mga Kapamilya na walang iba kundi ang '2G2BT' nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Masayang-masaya naman ang beauty queen dahil matagal na nitong pangarap na makasama siya sa isang proyektong pagbibidahan ng KathNiel. 

Aniya, “Lahat kami, we can say that we are so honored to work with KathNiel. Actually, ako rin kasi, iyan ‘yung sinabi ko sa KathNiel, ‘Napanood ko kayo growing up!’

“Kasi, magka-age kami kaya literal na when I come home from school, sila talaga ‘yung pinapanood namin sa TV, sa serye,” pagku-kuwento nito.

“Naalala ko, ikinuwento ko kay Kath, I was actually thinking of joining another pageant this year. Pero sabi ko, ‘Next time na ang korona, KathNiel muna!’” dagdag pa nito.

Kontrabida naman ang karakter niya sa kwento ngunit nangako itong, “Hindi naman malala yung pagiging kontrabida. Malalaman na lang nila sa story kung saan nanggagaling yung character ko.”