Angelica Panganiban ipinasilip ang magiging nursery room ng kaniyang anak

Angelica Panganiban ipinasilip ang magiging nursery room ng kaniyang anak

Angelica Panganiban ipinasilip ang magiging nursery room ng kaniyang anak
- Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng pasilip ang aktres na si Angelica Panganiban

- Pasilip para sa magiging nursery room ng kaniyang anak

- Kinagiliwan naman ito ng ilang netizens at mga kaibigan niya sa showbiz

Sa kaniyang Instagram account ay masayang ibinahagi ni kapamilya actress Angelica Panganiban ang panibagong yugto ng kaniyang pagiging isang ina.

Ibinahagi nito ang ilang pasilip para sa magiging nursery room ng kaniyang anak.

Makikita ang kagandahan ng naturang room na tila ba underwater scene ang ang napili niyang tema.

"Slowly but surely," caption pa niya sa naturang IG post niya.

Kinagiliwan naman ito ng ilang netizens lalo na ng ilang malalapit na kaibigan sa showbiz kagaya na lamang ng ate atehan niyang si Judy Ann Santos.

"Ayan na!!, ang cute!!," ani Juday.

"Aawww so nice, one of the exciting part before giving birth talaga is the preparation of the baby's needs and buying so many cute baby stuff," ani naman ng isang netizen.