Pokwang, binira ang maka-BBM na sinabing para lang sa ABS-CBN ang pagsuporta niya kay VP Leni

Pokwang, binira ang maka-BBM na sinabing para lang sa ABS-CBN ang pagsuporta niya kay VP Leni

Pokwang, binira ang maka-BBM na sinabing para lang sa ABS-CBN ang pagsuporta niya kay VP Leni
- Tulad ni Vice Ganda, pinabulaanan din ni Pokwang na para lang sa muling pagkakaroon ng prangkisa ng ABS-CBN ang pagsuporta niya kay VP Leni

- Sinabi nitong kung para sa prangkisa ang suporta niya, sana umano'y doon na sila sumuporta sa mga kakampi ng mga nagpatanggal

- Hinamon rin niya ang isa pang BBM supporter kung bakit si ex-Senator Bongbong Marcos ang napipisil niya sa pagka-presidente

Hindi na nakapagpigil ang dating Kapamilya star na si Pokwang sa isang delusyonal na BBM supporter na tila ipinapakita ang kanyang ka-'shungahan' na sinasabing para lang sa prangkisa ng Kapamilya Network ang pagsuporta niya kay VP Leni Robredo.

Katulad ni Kapamilya superstar Vice Ganda, nilinaw nitong hindi para sa prangkisa ng network ang habol nila kundi para sa buong bayan. Ngunit tila hindi naman ito maintindihan ng ilang mga 'shungang' BBM supporters kaya naman mas nilinaw ito ni Vice kamakailan sa kanyang noontime show na 'It's Showtime'.

Sa recent Instagram post ni Pokwang na kanyang TikTok dance sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan, nireplyan niya ang basher na ang dahilan ng pagsuporta niya ay "para ibalik ang ABS-CBN".

Sagot ng Kapuso comedienne, “Wala na po ako sa abs cbn... Kung prangkisa po ang habol namin edi sana doon kami sa maaaring magbalik ng prangkisa diba yung mga kakampi ng nagpatanggal,” comment niya.

May matapang na tugon naman ito sa mga ayaw na sumuporta siya sa team 'Katropa'. Aniya, “Dahil siya ay maraming nagawa at gagawin pa para sa bayan at mahal ko kinabukasan ng anak ko.

“Kaya wag kang mag sorry kasi maganda ang napili ko para sa mga anak at magiging apo ko.

“Walang bahid ng korapsyon, nabigyan ng pinaka mataas na pagkilala sa COA (Commission on Audit) ang office of the vice president dahil sa malinis na record nito,

“Mag research po kayo wag sa tiktok at fb magbasa po kayo please now tell me why BBM?” pahayag at tanong niya sa mga bitter.