Ex-PBB housemate, inaming inofferan ng ilang LGBT pagkatapos maghubo't-hubad

Ex-PBB housemate, inaming inofferan ng ilang LGBT pagkatapos maghubo't-hubad

Ex-PBB housemate, inaming inofferan ng ilang LGBT pagkatapos maghubo't-hubad
- Inamin ng kilalang ex-PBB housemate na marami daw siya umanong natanggap na mga indecent proposals mula noong maipalabas ang pelikula niyang "X-Deal 2"

- Aniya, ilan sa mga ito ay mga LGBTQ na 'humihingi' raw sa kanya bigla upang matugunan ang mga 'fantasies' nila

- Hindi naman umano niya pinagsisisihan na sumabak siya sa pagpapa-sexy at paggawa ng mga maseselan na eksena sa kanyang mga proyekto

Inulan ng kung anu-anong mga offer ang dating "Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus" housemate na si Josef Elizalde nang umere ang kanyang sexy film sa Vivamax na "X-Deal 2".

Agaw-atensiyon rin sa netizens ang pakikipagtalik niya sa pelikula kasama ang isang lalaking masahista. Kabilang din sa love scene ng movie sina Angela Morena at Rob Guinto na siya namang maituturing 'first time' ng ex-PBB housemate na maghubo't-hubad nang todo sa isang pelikula.

Dahil sa paggawa niya ng s*x scene kasama ang kapwa niya kasarian, naitanong sa kanya kung ipu-'push' niya na nang todo ang pakikipagtalik sa pelikula kasama pa rin ang isang lalaki sa online presscon ng bago niyang Vivamax film na "Doblado".

Aniya, “Actually, ako rin nagulat du’n (s*x scene sa kasama ang lalaki X-Deal 2). Ang hirap. Hindi naman siguro sa open, hindi ko pa actually masyadong naisip yun. But kasi yung sa eksena namin na yun, nadaya naman kasi yun.

“Pero pag-usapan kung kaya ko ba makipag-make love sa isang lalaki, yun siguro ang kailangan ko talagang pag-isipang mabuti kung worth it ba.

“I mean, kung ano yung magiging effect sa career ko, kasi siyempre hindi naman puwedeng dapat tanggap lang ako nang tanggap.

“Kailangan isipin ko rin yung epekto niya sa career ko at sa akin, sa pagkatao ko,” pahayag ni Josef.

At dito na niya inamin na samu't-saring mga offer na ang nagme-message sa kanya patikular na sa mga LGBTQ na nanghihingi ng kung anuman ang kanilang pantasya sa aktor.

“After ng scene na yun, ang daming nagulat, especially mga friend ko. Hindi ko sinabi sa kanila para hindi ma-spoil. Ang dami, ang daming nag-message sa akin.

“And then siyempre, I got a lot of messages from mga LGBTQ na humihingi sa akin bigla ng mga fantasies nila.

“Marami, maraming nag-message, mga indecent proposal din. If willing ba ako na gawin yun sa totoong buhay,” pag-amin nito.

Wala namang pinagsisisihan si Josef kahit na mahirap umanong gumawa ng mga maiinit na eksena. Gusto nga rin daw niya ang career path na pinili niya at ani rin nito, nage-enjoy naman siya sa nangyayari sa kanya ngayon.

“I was hesitant at first, kinakabahan ako.

“Puro pa-cute lang ako dati, patawa, so it’s a new environment for me. It’s a different style of acting also.

“Kung magagawa ko ba? Kung kaya ko ba? So far, nag-e-enjoy naman ako. Challenging and fun at the same time,” pagbabahagi pa ni Josef.